PROLOGUE
'HINDI KO naman sinasadya. Si Nalyn ang lumapit sakin, hindi ko naman mahindian. Kasalanan mo naman kasi 'to. Bakit ba hindi mo kayang ibigay sakin ang sarili mo? Dalawa’t kalahating taon mo na akong naghihintay Gladz, dalawa’t kalahating taon mo na akong pinapaasa.' Parang sirang plaka na paulit-ulit 'yon na nagri-replay sa utak ni Gladz habang nakaupo ng mag-isa sa isang Club at nilulunod ang sarili sa alak.
'Hindi ko kasalanan kung tumikim man ako ng iba. Pero kahit ganun ikaw pa rin naman ang mahal ko. Gusto pa rin kitang makasaama, Gladz. And it was just a one-night stand and nothing more.'
Nagtagis ang bagang niya. "Ang gagong 'yon. One-night stand and nothing more? Kung ako kaya ang gumawa no'n para naman maka ganti ako sa hayop na 'yon?" Puno ng pait niyang sabi habang panay ang inom ng alak sa mismong bote. "Manloloko ang hayop na 'yon!" Uminom ulit siya, hindi mapigil ang luhang dumaloy sa pisngi niya, "lahat nalang iniiwan ako at niloloko! Mga walang hiya!"
Parang sinasakal ang puso niya sa sakit. Ramdam niya ang pait na kumakain sa puso niya pero wala naman siyang mapaglabasan ng sama ng loob. Ayaw niyang makita siya ng ganito ng mga kaibigan niya. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa harapan ng mga ito.
Binalaan na siya ng mga ito pero hindi siya nakinig. Hinayaan niya ang puso niyang maging tanga-tangahan kaya heto, nasasaktan siya at umiiyak na naman.
Uminom siya ulit sa bote saka inubos ang laman niyon. Nag-uumpisa nang umikot ang paningin niya, nahihilo na siya pero hindi siya nagpaapekto sa pagkahilong nararamdaman.
Umorder pa siya ng isang bote ng alak saka ininom iyon.
Gladz was in the middle of finishing the bottle of liquor she was holding when her phone rang.
Nahihilo man, sinagot niya ang tawag.
"Hmm..." Tumikhim siya at pilit na inayos ang pagsasalita para hindi nito mapansing lasing siya. "S-sino to?"
"This is Ruth, duh." Napapantastikuhan sa kaniya ang boses ni Ruth. "Anyway tumawag ako para itanung kung break na ba kayo ng boyfriend mo? Nasa Hotel kasi ako ngayon dahil may photo-shoot akong pinuntahan, tapos nakita ko ang boyfriend mo ngayon-ngayon lang na may kasamang ibang babae papasok sa elevator. And I saw them kissing before they get in. Are you two still together? Magsabi ka lang kung kayo pa, susuguri ko siya ngayon din para sayo—"
Pinatay niya ang tawag saka walang buhay na natawa habang tinatapik-tapik ang dibdib kung nasaan ang puso niya gamit ang cell phone na hawak. "Its okay... You're very okay, heart. Hindi nababagay sayo ang isang gagong katulad niya kaya huwag ka ng masaktan, please."
Mabilis niyang tinuyo ang luha na hindi niya namalayang nalaglag sa pisngi niya.
It hurts. It really hurts and the pain is suffocating her heart.
Ilang beses siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang puso niya pero wala iyong kuwenta, naninikip pa rin ang dibdib niya at gusto niyang sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
"I'm okay..." Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka pinaypayan ang sarili gamit ang kamay, "I’m okay. I'm okay."
Humugot siya ng malalim na hininga habang panay ang tapik niya sa dibdib kung nasaan ang puso niya.
She should have known better. Her ex would never be serious with her. Lalo na't hindi niya ibinigay ang gusto nito. Hindi siya tanga para hindi malaman kung anong ginagawa ng ex niya at ng babaeng kasama nito sa Hotel. Ganoon naman talaga ang mga lalaki. Isa lang ang gusto sa mga babae, at kapag hindi yon naibigay ni babae, ipagpapalit kaagad sa iba na kayang magbigay no’n sa kanila.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
Fiksi UmumWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...