CHAPTER 23
HUMINGA NG MALALIM si Gladz ng makapasok sa pintuan ng Mental Institution kung saan naroon ang ina niya. Gusto niya itong makita at makausap kahit alam niyang wala naman itong magiging sagot sa problema niya.
Her heart saddened when she saw her mother sitting alone in the bench in front of the garden, she has a blank look in her face.
Tahimik siyang tumabi sa ina saka hinawakan ang kamay nito. "Ma, nandito ulit ako. Binibisita kayo."
Walang reaksiyon mula sa ina niya, dapat hindi na siya masaktan dahil sanay na siya pero may kurot pa rin sa puso niya na makita ang ina sa ganung kondisyon.
"Ma," hinaplos niya ang buhok ng ina, "kailangan kita ngayon, kaya nandito ako. Sana kung hindi ka nagkaganito, nabigyan mo na ako ng payo kung anong dapat kung gawin sa sitwasyon ko ngayon. You see, Mom, I fell in love with a married man. Pero hindi ko alam na may asawa na pala siya, nalaman ko lang nuong isang linggo. Para akong mababaliw sa sakit na nararamdaman ko, pero, Ma, lumaban ako, pilit kung itinayo ang sarili ko dahil ayokong magmukhang kawawa. Ma, sana kung kasama kita ngayon sa bahay, palagi mo siguro akong aaluin kasi iyak ako ng iyak. Pero dahil mag-isa lang ako, ako nalang ang yumakayakap sa sarili ko."
She forced a smile. "Ma, miss na miss na kita. Miss ko ng marinig kang magsalita. Miss ko na ang bonding moments natin. Miss ko na kung paano mo ako pangaralan noon. Please, Ma, magpagaling ka, gustong-gusto na kitang makasama. Siguro kapag nakita mo ang ginawa ko sa kompaniya ni Dad, magiging masaya ka at magiging proud. Its getting bigger and bigger, Ma. Dad will be very proud of me, I'm sure. And he would be even prouder if you get better and leave this place."
Still, no reaction from her mother.
Iginiya niya ang kamay ng ina sa tiyan niya. "Ma, magkakaapo na po kayo. Kaya lang hindi ko pa mapapakilala sayo ang ama niya kasi ayokong iharap siya sa inyong may sabit pa siya. Kasal kasi siya e. Wala naman sigurong babae na gugustuhing maging isang kabit kaya pinaglalaban ko ang sarili kong halaga sa kaniya. I want to be happy with him, Ma, pero ang hirap palang maging masaya kapag nasasaktan pa rin. I'm still in pain, but I'm fighting it. I'm fighting for my happiness. Ayoko ng masaktan pa, Ma. Nagtatapang-tapangan lang ako pero ang totoo, natatakot ako ng sobra."
Yumakap siya sa kaniyang ina na wala pa ring reaksiyon sa mga ikinuwento niya. Mas humigpit pa ang yakap niya rito sa bawat segundong lumilipas hanggang sa pinakawalan niya ito.
Hindi alam ni Gladz kung ilang segundo, minuto o oras siyang nakaupo sa tabi ng ina. Wala itong reakisyon, ni wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. Basta hawak lang niya ang kamay nito at paminsan-minsan ay niyayakap niya ito.
Kapagkuwan ay tumingin siya sa relong pambisig.
It's nearly lunch time.
Napabuntong-hininga siya. Ang bilis talaga ng oras.
Bumaling siya sa ina. "Ma, bisitahin kita ulit, ha?" wika niya sa ina habang hinahaplos ang buhok nito, "pangako, dadalasan ko ang pagpunta rito. Kailangan ko na nga lang umalis kasi may hihinging kailangan daw sakin si Beckett. Naalala mo ba siya, Ma? Siya 'yong lalaking ayaw niyong papasukin noon sa bahay dahil akala mo manliligaw ko." Mahina siyang natawa sa ala-alang 'yon. "And I can't say no to him, he helped me a lot these past few days." Hinalikan niya ang ina sa pisngi. "I love you, Ma." Malambing niyang sabi saka tumayo na para umalis.
Nakakailang hakbang palang siya ng marinig niya ang pamilyar na boses na kaniyang ina na ilang taon din niyang hindi narinig.
"If you love him, fight for him. Mas masasaktan ka kung pakakawalan mo ang taong mahal mo. Look at me, my baby, I'm suffering because I lost the man that I love."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...