Just want to say Hi to, Adelyn Chico Salazar, AiShie Andres Lucas , Allons Cherie Akira Mou , Ana Mae Villanueva, Anne Alcones, Ayen Scott, Cherie Gaspi Maiso, Chona-Lee Mendoza-Llanera, Cris Sarabia, Daisy Macahidhid, Daizuke Valle, Dandan Ombalino Sagario, Dhave Sibug, Ellsy Jovillo Carreon, Emeliza Villafranca Umpad, Ghhad Versoza, Hazel Joy Durotan, Henlee Yu Gaspar, Hikari Winchester, Jessica Gonzales, Jhen Reala Freniere Montefalco, Joanne Alsonado, Joh Pinto, Jots Siaotong, Kathleen Joy Labarinto, Kimkim Marzon, Mag Valencia, Mikaella Yui de Leon, Nica Indina, Pam Tayco Solano, Princess Jasmine Candido, Rizza Mae Chan Mendoza and Yhanie Larva. Happy reading.
CHAPTER 19
"HEY..." Bati niya kay Pierce ng makasakay sa kotse nito sabay halik sa pisngi ng binata, "salamat sa pansundo. Ulit. Hindi mo naman 'to kailangang gawin." Sabi niya sa binata. "Kaya ko namang ipagmaneho ang sarili ko."
"I want to." Ani Pierce saka ito ang nagsuot ng seatbelt niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya, "how was your day, by the way?"
"Nakakapagod. Ang dami kong tinapos na trabaho lalo na 'yong sa resort mo para maumpisahan na sana ang training." Kuwento niya habang umaayos ng upo.
Pinausad ni Pierce ang sasakyan at nang nasa daan na sila, nagtanung ang binata, "Restaurant or Home cooked dinner?"
"Home cooked." Nakangiting tugon niya.
"Home cooked it is." Nakangiti ring tugon ng binata saka mas binilisan pa ang pagmamaneho.
It took them nearly an hour to reach BV. Masyado kasing traffic kaya natagalan sila.
Nang makalabas sila sa kotse at sabay silang naglalakad patungo sa pinto ng bahay ni Pierce, pabiro siyang nagsalita.
"Palagi nalang akong narito sa bahay mo." Aniya, "baka iba na ang isipin ng mga taong nakakakita sakin."
"So?" Binuksan nito ang naka-lock na pinto saka humarap sa kaniya, "you can even live here if you want."
Her heart raced. "A-ano? D-dito ako titira?"
Tumango ang binata. "Alam kong maaga pa para hilingin ko sayong mag-live in tayo pero kung ayos lang sayo, bukas ang bahay ko. You can live here anytime."
Hindi alam ni Gladz kung paano pakakalmahin ang puso niyang nagwawala na naman sa loob ng dibdib niya.
There's nothing romantic being ask to live together especially if its not accompanied by the three magic words, but there's something about it that makes her heart flutter. Its a big leap, especially for men and also for women. Hindi basta-basta ang makipag-live in. Kailangang handa ang puso, isip at kaluluwa mo para sa bagay na 'yon—
"Yeah...its early." Wika ni Pierce ng hindi siya umimik.
Bahagyan siyang umiling, "hindi ganun, nag-iisip lang ako—"
"Its okay." Anang binata saka giniya siya papasok sa bahay nito, "I can wait."
Nakamasid lang siya kay Pierce habang ginigiya siya patungo sa sala. He can wait? For how long? At gaano rin siya katagal maghihintay bago marinig ang salitang mahal kita mula rito? Aasa ba siya o tatanggapin nalang niya na baka nga estranghero ang salitang 'yon kay Pierce?
"Magluluto lang ako." Paalam ni Pierce sa kaniya ng makaupo siya sa sofa, "dito ka muna...or you can go to our room and change. I'll call you when dinner is ready and set."
Tumango siya saka nagdesisyong pumunta sa kuwarto ni Pierce habang nagluluto ang binata.
Itinabi muna niya ang shoulder bag bago nag-half bath. Nang matapos, dahil wala naman siyang dalang damit, pinakialaman niya ang mga damit ni Pierce sa closet nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/112410344-288-k614204.jpg)
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
Narrativa generaleWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...