CHAPTER 13
GLADZ regretted sending Pierce away, but she has to do it. Para na rin sa sarili niya. Kahit isa siya sa mga masusugid na naniniwala sa sinasabi ng iba na 'walang forever', kahit pa kasing pait ng ampalaya ang tingin niya sa pag-ibig, kahit pa gaano siya katalino mag-isip ng mga paraan para hindi mahulog ang loob niya kay Pierce, nanatiling bobo ang puso niya.
She decided to use her brain to protect herself from future heartache.
Pierce wants a not serious relationship with her. No label. Just plain casual sex and casual dates. Laro ang tawag sa gusto ni Pierce. At ayaw niyang makipaglaro dahil puso niya ang nakataya.
It was fun at first...the casual sex. Pero habang tumatagal, mas lalong nagiging mapanganib sa puso niya ang makasama si Pierce lalo na't napakalambing ng binata.
Hindi ito mahirap magustuhan. Pierce is caring, thoughtful, sweet, charming and handsome. He is every woman's dream...but she's scared.Love isn't all fun. Love is being happy even though you know pain with hit you someday. At para sa mga taong katulad niya na ayaw nang masaktan, mabuti nang talikuran ang pag-ibig. Mas madali 'yon keysa harapin iyon kasama ang takot na masaktan.
Malalim siyang bumuntong-hininga saka tumitig sa kisame ng kuwarto niya.
Hindi niya alam kung ilang bese na niyang natagpuan ang sarili na nakahiga sa kama niya mula ng paalisin niya si Pierce ilang araw na ang nakakaraan. Nakatitig lang siya sa kisame at nag-iisip palagi kung tama ba ang ginawa niya. Pagkauwi sa bahay galing trabaho, palagi nalang siyang nakatulala at iniisip si Pierce.
Marahas niyang pinilig ang ulo saka bumangon at inaliw ang sarili sa panunuod ng T.V.
It's been days since she pushed Pierce away... She should have move on by now.
Ilang beses siyang bumuntong-hininga ng malalim bago pinatay ang T.V. na hindi naman siya maaliw.Nag-iisip siya ng mga bagay na makakapag-paaliw sa kaniya maliban sa pag-inom ng tumunog ang cellphone niya. May kaba siyang naramdaman ng makitang ama iyon ni Tess.
Shit... Bakit ito tumatawag? May nagawa ba siyang mali?
Kinakabahang sinagot niya ang tawag. "Hello po, Tito—"
Nagpapanic na boses ang pumutol sa magaling niyang pagsagot sa nasa kabilang linya. "Come here quickly, my daughter...she needs you. I think she's in pain. Hindi siya nagsasalita. Ayaw niya akong kausapin. Please... Nag-aalala ako sa anak ko."
"Yes po, Tito." Mabilis niyang sagot saka nagpaalam na sa nasa kabilang linya.
Mabilis na nagbihis si Gladz saka nagmamadali ang mga hakbang na sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon patungo sa bahay ng kaibigan.
Nang makarating siya sa bahay ni Tess, nandoon na si Ruth. Mukhang tinawagan din ito ng ama ni Tess.
"What happened?" Kaagad na tanung sa kaniya ni Ruth ng salubungin siya nito sa sala.
"Hindi ko alam." Aniya sabay iling.
Tamang-tama naman na pababa sa hagdan ang ama ni Tess. Kaagad silang iginiya ng ama ni Tess patungong rooftop at nang makarating doon, nakiusap itong kausapin nila ng maigi si Tess para kumalma ito dahil hindi daw ito nakikipagusap sa ama nito.
Pare-pareho silang nag-aalala sa lagay ng kaibigan kaya naman ng makarating sila sa rooftop at nakalapit sila kay Tess kaagad nila itong kinausap ni Ruth. Salamat sa Diyos dahil kaagad na bumalik ang matapang na Tess na nakikipaglaban palagi kapag alam nitong tama ito.
Gladz felt relieve, same as Ruth who smiled at her when Tess stands up to fight for her man.
Kaya naman isang oras ang nakalipas, natagpuan ni Gladz ang sarili sa isang magarang bahay sa Baguio, ang bahay ng fiancé ni Red.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
Художественная прозаWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...