One

10 0 0
                                    

"Ineng..." Kinalabit naman ako ng isang matanda at inilahad ang kanyang palad saakin. Dumukot naman ako ng sampung piso sa bulsa ko at inabot sakanya. "Maraming salamat."


"Walang anuman po." Bigla naman humangin at nahawi ang buhok ko, naimuwestra naman ang leeg ko at napatingin naman ang matanda sa leeg ko at bigla itong napaatras kaya nagtaka ako.



"Ayos lang po ba kayo?"



"Teka, wag kang lalapit." Aniya at inilapag ang perang ibinigay ko. "Ibabalik ko saiyo ito, wag mo lang ako sasaktan."


Bigla naman itong umalis. Ano bang nagawa ko? Kinuha ko na lamang ang pera at umalis na sa palengke. Lintek kasi na Halie, ako pa ang pinapamalengke niya.


Ibinalik ko naman ang buhok ko sa dati nitong ayos. Oo nga't may kagat ako sa leeg, eh ano naman ngayon?  Normal pa rin naman ako ah! Atsaka mukha ba akong nananakit?


Nang makarating ako sa dorm ay bigla na lang ako nakaamoy ng masarap saaking ilong pero alam kong dugo ito. Dali dali naman akong pumasok at para bang hindi ako mapakali dahil gustong gusto ko nang lasapin ang dugong naaamoy ko.



Nakakita ako ng isang baso at naglalaman ito ng kalahating dugo. Teka?! Bakit ginusto kong uminom ng ganoon?! Gusto ko mang isuka pero sarap na sarap ako. Lumabas naman si Halie mula sa sala na gulat.


"Sabi ko na nga ba..." Sabi nito. "Tumingin ka sa salamin."



Sinunod ko ang sinabe niya. Pagtingin ko sa salamin ay sobrang gulat na gulat ako. Mukha akong...bampira. Tangina, ano ako?!


"Bakit ako nagkakaganito, Halie?!" Sigaw ko. May pangil, pula ang mata. Aswang na ba ako?! Ngumisi naman si Halie na para bang alam na niyang nagkakaganito ako.


"Simple lang, may nagkakagusto sayong bampira." Nilingon ko sya at napakunot noo.


"Wala naman ganon dito!" Sigaw ko at muling tiningnan ang repleksyon ko sa salamin ngunit wala na ito. Bumalik na sa normal ang itsura ko.



"That's what you think. Pero nageexist tayo." Lalo akong naguluhan.


"Tayo?" Tumango sya. "Ibigsabihin bampira ka rin?"


Tumango sya ulit. "Yup!"


"Eh ba't andito ka sa mundo ng tao?" Tanong ko. Wala naman kasi akong nababalitaan na may mga bampira sa lugar na 'to.


"Because we have a mission." Aniya. Misyon? Ha? Nagmimisyon ba ang mga bampira?!


"Nagbibiro ka ba? Kasi kung oo, hindi nakakatawa." Sabi ko at umupo sa lamesa. Baka guni guni ko lang iyong sa salamin.


Umiling siya. "Hindi ko alam sinong nagkakagusto sayo at bigla ka niyang ginawang bampira."


"Anong ibig mong sabihin?"


"Ang mga bampira, may kakayahang pumatay sa pamamagitan ng kagat sa leeg. Pero ikaw hindi, ibigsabihin may nagkakagusto sayong bampira. At kakaiba ito." Aniya at lumapit saakin at hinawakan ang kagat sa leeg ko.



"Anong kakaiba?"


"Empire bite." Bulong niya na nakapanindig balahibo saakin.


"Eh bakit nung dati hindi mo ako kinakagat?" Tanong ko pero tumawa ito.


"Meron kaming monthly dosage. Pansin mo? Sa isang buwan, umuuwi ako. Kailangan kaming dumaan sa prosesong iyon para hindi maakit sa dugo ng tao." Paliwanag niya.


"Paano ako?"


"You are different."


"Paano?"


"You can linger with the people without you attracted by their blood." Sabi niya. Kaya pala pansin ko mas pumuti ako.


"Normal naman ako kanina ah?" Tanong ko. Kaya pala natako iyong matanda saakin. Iniisip niyang bampira ako.


"Yes. Hindi ko rin alam." Nagkibit balikat siya. "For now, all you can do is stay away from blood."


Tumango na lang ako. Shit, how i can do this?! Hindi na ako normal. Sino ba kasi iyong walang hiyang kumagat saakin?!

Kaya naman pala ang puti ni Halie dahil isa rin syang bampira. Kailangan ko ng malalim na pagreresearch tungkol sa mga uri ng bampira.

Immortal  CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon