"Ayos na ba 'to? Parang sobra naman atang revealing, Triton!" Sinamaan niya ako ng tingin. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa pangalan niyang triton. Pangalan daw kase ng lalake.
"Bagay na bagay..." Ngumiti sya. Isasama niya kasi ako sa reunion eh hindi naman ako kasapi ng pamilya nila. Empire yon! EMPIRE.
Ipinasuot niya saakin ang isang dark red dress na galing sakanya. Kainis, pwede bang simple lang?! Hays. Wala daw kasi akong makikitang mukhang gurang doon kaya mag ayos daw ako.
Excuse me, over my dead sexy gorgeous body and face. Do i look like a gurang?! Haynako.
"Natatakot ako, Trit." Hinawakan niya naman ang dalawang magkabilang balikat ko.
"Look, you are belong to us. Ipapakita ko sayo ang itsura ng normal na bampira at makikita mo ang pinagkaiba niyo." Sabi niya. Tumango na lang ako kahit na kinakabahan pa rin.
"Eh diba empire lang?"
"Yes. Pero i have a friend that is common." Aniya at kinuha ang purse ko at ibinigay saakin. "Let's go."
Common? Yun siguro yong tawag nila sa mga normal. Nagpahila na lang ako sa babaitang ito at isinakay sa isang magarang sasakyan. Limousine.
Kahit magara ay pangit para saakin ang limousine! Ang haba! Tss. "Saan ba tayo?!"
"Bonaventura's residence." Okay. Oo nga pala may tanong din ako.
"Trit..."
"Hmm?"
"Bonaventura ka rin ba?" Umiling siya. "Huh? Eh diba pinsan mo iyon sila?"
"Yep. But not in name, but in blood." Nakakalito naman yata iyon. "Bonaventura's are have a higher position than us. We are secondary empires."
Ang gulo. "Paliwanag mo nga saakin ang system niyo. Nakakastress."
She chuckled. "Of course. I would. Sa bahay na."
Dumating na kami sa mas magara at mas malawak na mansyong ito. Wow. Nakakamangha talaga. Paano kaya sila gumagawa ng ganito. Pumasok kami at nakita ko ang mga taong nasa kanilang magagarang suot. Ang gaganda't ang gagwapo. Nakakahiyang tumabi.
Nakita ko naman ang repleksyon ko sa dinaanan naming salamin. Hindi pa rin bumabalik ang kulay ng mata ko. Baka permanente na ito. Hinila naman ako ni Trit sa isang lamesang may mga kasing edad ko lang.
"Hey, cousins!" Nakakapagtaka lang na tinatawag nila ang sarili nilang magpinsan pero hindi naman pala. Lumingon ang dalawang lalake at isang babae. Nakayuko lang isang lalakeng parang walang pakialam.
"Yo Triton Alicia!" Pinalo naman ni Trit ang isang lalakeng gwapo. Medyo brownish ang buhok nito pero gwapo. Tiningnan naman ako ng lalake na nagtataka pero nginitian lang ako nito.
"Aliciaaa!" Tawag nung babae at niyakap si Trit. Damn, she's sexy.
Alicia pala ang second name ni Trit.
"Oh? Andito ka pala?" Tumango si Trit at nakipag apir. Tinitignan nila ako. Nakakahiya. Punyeta.
"Guys, this is Athena Valerie Gaverson." Pagpapakilala ni Trit. I think, that was my Vamp name. Okay, yung apelyido ko lang ang kinuha eh. Ang ganda kaya ng Alenzandria Yella Gaverson. Diba diba?! Ngumiti naman ang unang lalakeng nagpakilala kay Trit at sa isang iglap nasa harapan ko na sya.
"Havord James Bonaventura, miss." Bulong niya kaya napaatras ako. Shit, ang lapit niya. Sa isang iglap ulit nasa upuan na sya. Nginitian naman ako nung babae.
"Crios Angelina Bonaventura." Pagpapakilala niya at ngitian ko rin sya. Crios, Greek god nanaman?! Ang hilig nila sa greek god ha.
Crios is the Titan god of heavenly constellations and the measure of year. At pansin ko ring panlalake ang ginagamit nila.
Tumayo lang ang lalakeng may ash gray ang kulay ng buhok. That made him more sexy. But the man who is beside him is more sexier kahit na nakayuko ito at mukhang tulog. Sobrang itim ng buhok at kitang kita ang perfect angled jawline.
"Zephyrus Angelo Bonaventura." Yumuko ito at umupo na. Zephyrus. Greek god again. Itinuro niya si Angelina. "That is my sister."
Zephyrus is a god of the wind.
Tinapik naman ni Trit ang lalakeng nakayuko at itinuro ako. Tumingin naman ito saakin at kung hindi ako nagkakamali, nagulat pa ito.
"Who is she?" Kung hindi lang siguro maraming tao dito, natakot na ako. Nakakatakot ang pulang pula na mata nito. Sobrang dark talaga ng aura niya. At mukhang may pagkaauthorative na tao.
"Natutulog ka naman kasi eh. She is Athena Valerie Gaverson." Tumango lang ang lalake at wala man lang itong pakilala. "Sya si Draven."
Halata naman. His aura is creepy and scary. Umupo naman kami at mukhang maaoit of place ako nito dahil sila lang naman ang naguusap. Kinalabit ko muna si Triton at itinanong ang bumabagabag sa isip ko.
"Hey, bakit ikaw lang ang hindi Bonaventura dito?" I ask.
"My mother's a Bonaventura." Aniya at ngumiti. Tumango na lang ako. Kaya naman pala.