Fourteen

3 0 0
                                    

"Huy, Alicia..." Kinalabit naman ni Havord si Trit habang nakikinig kami sa professor namin sa physical strenght and speed. Nilingon naman ni Trit si Havord na nakataas ang kilay.



"Ano?" She hissed.


"Ang pangit mo." Humagikgik naman si Havord at kita ang pamumula ni Trit, inis! Hahahaha!


"Punyemas ka!" Hindi sinasadyang napasigaw si Trit kaya napatingin lahat ng kaklase namin pati na rin si Prof.


"What's wrong, Triton Alicia?" Mas lalong namula si Trit dahil sa pagbigkas ni prof sa first name niya. Napahagik naman ako dun.


Umiling si Trit. "Wala po Prof. May langgam lang po."


Tumango na lang si Prof at pinagpatuloy ang paglelesson. Hindi naman inistorbo ulit ni Havord si Trit kaya tahimik na.


Matapos ang klaseng iyon ay agad naman akong hinila ni Draven at hindi ko alam bakit. Tumingin ng nagtataka ang ibang empires, pati nga rin ako!


"Huy, saan tayo pupunta?!" Tanong ko pero inisnob ang ako, hanggang sa makarating kami sa Garden ng eskwelahan. Oh.


"I wanna talk to you." Bigla naman akong kinabahan. Naalala ko nanaman iyong nasa locker kami. Umupo sya sa bench kaya umupo na lang din ako sa tabi niya.


"Anong paguusapan natin?"


"About us." Napalingon ako. Tungkol saamin? Walang namang kami ah. Joke.


"O-okay?"



"You know, don't assume..." I gulp.


"What do you mean?" Ano bang pinagsasabe ng lalakeng 'to.



"I don't have a strong desire for you." He said. Sinamaan ko naman sya ng tingin kahit hindi sya nakatingin saakin.


"Akala mo iniisip ko iyon?" I chuckled. "Nope. Hindi naman ako ang guardian."



"Tss." Bigla na lang syang tumayo at iniwan ako. Iniwan ako?! Uh. Nagpaiwan na lamang ako at kitang kita dito ang paglubog ng araw.


Kamusta na kaya sila Mama? Alam kong nagaalala na sila. Bakasyon na doon eh. I sigh. Paano ko naman kaya ipapaalam sakanila? At paano ko naman ipapaalam sakanila? Ni hindi ko nga alam paano bumalik sa mortal world. Hays. Alam kong namimiss na nila ako. At syempre, ako rin. Pero hindi na ako tao eh.


"The sunset is good in the sight, right?" Napatingin naman ako sa tabi ko na hindi ko namalayang andito pala.


"Zeph, ikaw pala." I smiled. Minsan may pagkamisteryo din ang lalakeng 'to. Minsan tahimik, tapos minsan magsasalita ng seryoso. He smiled a little. Buti pa nga sya ngumingiti, eh si Draven?!


"Are you okay? Pansin kong lagi kang space out." He said while staring at the sunset. Malapit na ring itong dumilim.


"Yup..." I sigh.


"You know, there's no wrong if you tell the truth." I sigh again.


"I-i just...I-i just missed my family."


"I'll help you to see them." Napalingon ako sakanya. Halos mabali na ang leeg ko doon ah.


"Talaga?!" Tumango sya.



"Now na." Aniya.


"Ha?!" Tumayo sya at gumawa ng portal. Hinila niya naman ako at andito nanaman iyong feeling na nakakahilo. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para hindi ako mahilo sa sensasyon na ito. Tinapik niya naman ako at unti unting inimulat ang mata ko. Nanlaki pa nga ito dahil ang lapit ng mukha niya saakin! Kaya napatayo ako at inayos ang sarili.



"Is this your house?" Itinuro niya ang bahay sa likod at lumingon ako. Napangiti ako dahil ito nga ang bahay namin. Tumango ako sakanya at masayang pumasok sa bahay.


"Maaa! Paaa! Kuyaaa!" Pagtawag ko pero wala ni isang nagsalita. Ramdam ko namang nasa tabi ko si Zeph na nililingon lingon din.


"Saan sila?" He asked.


"Maaaa! Andito na po akooo!" Pumanhik ako sa kwarto nila. Pagkabukas ko ay laking gulat ko sa nakita, dugo. Ang daming dugong nakakalat.


Pumasok din si Zeph kaya agad kong tinakpan ang ilong niya. "Zeph! Bak-"

Agaran niya namang inalis ang kamay ko. "No. It's not a human blood."


Hindi ko na lamang sya pinakinggan kahit na naguguluhan ako at pumunta sa kwarto ni Kuya. At gaya ng nakita ko sa kwarto ng mga magulang ko, puro dugo. Ano bang nangyare?! Bigla akong kinabahan.


"Vampire ang gumawa nito." Bigla lumuhod si Zeph sa kamang may dugo at sininghot ito. Sininghot ko rin ito at oo nga, hindi ito amoy tao, kundi amoy bampira.


"Wala ka bang naaamoy na-" He cutted me off.


"Wala. No traces of human blood." He said. Bigla na lamang uminit ang mga mata ko at nagbabadya pa itong parang maluluha.


"Nasaan sila? Bakit ganito?" Hindi ko namalayan na niyakap na pala ako ni Zeph. Humagulgol lang ako sa dibdib niya. Hindi naman kami pwedeng magreport sa mga awtoridad dahil pula pa rin ang mga mata namin. At baka aksidente kaming makaamoy ng dugo.


"Hush. Hindi pa naman kumpirmado, you see? Mga dugo ng bampira ito. Malay mo, nakaligtas sila." Pagpapalakas loob niya. Tumango na lang ako at kumalas sa yakap niya. Bigla akong nakaramdam ng presensya sa likod niya kaya agad agad naman akong napatingin doon. Laking gulat ko dahil nakita ko ang walang emosyong nakasandal na lalake sa pader. P-paano?!


"Paano ka napunta dito?" Lumingon din si Zeph at gaya ko nagulat din ito.


"I'm the one who get here first." Aniya at nilapitan ako. Harap harapan. Tangina, eto nanaman, kinakabahan nanaman ako.


"Ikaw may gawa nito?!" Napasigaw ako. Andito nanaman ang mga luha, nagtatraydor.



He smirked. "This is not a crime, Athena."


Napakunot noo ako. "What do you mean?"


"This is an attack from the quislings. The traitors from our world." Sabi nito. Traydor? Sino naman iyon?


"You mean the Black group?" Tanong ni Zeph at tumango naman si Draven. "You are kidding, right? They are vanished! Paano mo nasabeng nabuhay pa sila?!"


Black group?! Ano nanaman iyon?! May pinulot si Draven sa isang sulok na kutsilyong may bahid ng dugo. Di ko napansin iyon! Pinaamoy niya ito kay Zeph at nakita kong mas pumula ang mata nito. Isa lang ibigsabihin nun, naamoy niya na dugo ng kalaban.

Immortal  CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon