Eleven

3 0 0
                                    

Umupo muna kami sa damuhan bago ipagpatuloy ang physical class namin. Sobrang nakakapagod, warm up pa lang ay sobra na itong nakakapagod. Kinalabit ko si Trit na umiinom.

"Hmm?"


"May tanong ako." Itatanong ko sana iyong bumabagabag sa isip ko. Tumaas naman ang kilay nito at saka sinarado ang ininumang tubig.


"Ano?"


"About Prof. Liena said..." Lumunok muna ako. Mahirap na. "Diba sabi niya, posibleng maging tao rin ang mga bampira? Like the former General did?"


Umiling ito kaya napakunot noo ako. Bakit naman? Si professor na mismo nagsabe ah?! Ano ba talaga? "You have to memorize the rituals."


"What rituals?"


She shrug off her shoulders. "Only General knows about that."


Tumango na lang ako. Si Trit lang ang sumasagot dahil sya lang naman ang kasama ko. Umalis kasi iyong apat may kukunin.


"It's time for the Speed class." Nakangiting sagot ni Trit. Ngumiti na lang din ako. Habang tumatagal, nasasanay na ako sa ambiance ng mundong 'to. Tumayo na kami at sumunod sakanya.

Pumunta kami sa mga nakaupong mga estudyante sa field at nakikinig kay Professor Jake. Nagsimula na pala sila, nandoon na rin pala sila Angelina. Umupo kami sa tabi nila at nakinig na kay Prof.


"So, the vampires has a superior strength speed. The ability of a vampire that has a advantage especially when we hunt..." Tumikhim ito at napatingin sa dako ko. Hindi pa rin ako sanay na lahat ng matang nakikita ko ay puro pula.


"....we'll practice your speed. We'll have a race." Ani nito na sya namang nagbulong bulongan ang mga estudyante. Buti na lang at nakapalit kami ng p.e uniform namin. Mahirap na, baka lumipad pa ang mga palda. Naku. Luluwa ang mga eyeballs ng mga lalake. Di joke.


"Prof. Lahat kami ay maguunahan?" Tanong nung isang babae. Grabe ang pula ng labi. Hindi na ata natural yan eh, lipstick na.


"No. I'll group you into six. Since, iyon ang sakto sa bilang niyo. Sa inyong anim, kayo ang maguunahan." Paliwanag niya. Nagsimula na man siyang tumawag ng pangalan. Sino kaya ang makakalaban ko? Sigh. Hindi ako bihasa dito kaya malamang matatalo ako.


"Empires and...." Okay. "And Ms. Athena."


Nagulat ako dahil bakit ako?! Pwede naman iyong mga mas mabilis sa akin. Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni Angelina.

"Okay lang yan! Buti nga hindi ka napunta sa grupo nila Fiona." Sabi niya.


"Fiona?"


"Ayun oh." Nginuso niya naman ang babaeng ang sasama ng tingin saakin.

"Iyon bang babaeng may mapulang labi?" Tumano si Angelina. Sya yung nagsuggest kay Prof. Ang sama talaga ng tingin niya. Kung nakakapatay lang siguro ang tingin, kanina pa ako dito nakabulagta.


"Surely. Dadayain ka lang nila." Hindi na lang ako nagsalita dahil nagsisimula na. Ang unang grupo ay sabay sabay pa itong nakarating sa finish line. Grabe.


Last pa kami. Kaya medyo, okay okay pa. Nung grupo na nila Fiona ay tama nga si Angelina, dinadaya nila ang isang hindi ata kasama sa grupo nila. Itulak ba naman, ayun tisod. Pero naabutan niya rin at sabay sabay pa silang natapos.


Ilang minuto lang ay kami na. Paano kung huli ako? Lahat ng mga estudyante ay sabay sabay na natapos. Napabuntong hininga na lang ako. May tumapik naman ng balikat ko kaya napatingin ako.

"Nakakailan ka ng bumuntong hininga. Kaya mo iyan!" Sabi ni Havord kaya tumango lang ako. Aksidente ko namang nilingon si Draven at nahuli kong nakatingin ito saakin kaya napaiwas sya kaagad. Hokage mo ah.


Pumwesto na kami sa starting line. May mga sumisigaw na matatalo daw ako. Puro negativities lang ang naririnig ko. Ng magwhistle si Prof ay sya namang naging hangin ang mga katabi ko. Packintape, ang bibilis. Sobra ilang metro ang layo ko sakanila. Nakavampire speed naman ako pero mahina pa rin.


"Booo! Talo ka Athena girl!"

"Wala pala 'to."

"Hahahaha! Lampa!"

Okay, i'm done! Mas pinabilis ko ang takbo ko at sa hindi malamang dahilan nasabayan ko si Draven na sya namang nangunguna sa racing. What the hell?! Nagulat pa ito pero bigla rin sumeryoso. Inunahan niya pa ako kaya nagkibit balikat na lang ako at nakipaunahan nalang sakanya.


And yeah, sabay kaming DALAWA nauna sa finish line.

"Wow! That was amazing!" Sabi ni Trit at tinapik ang balikat ko.

"Guys..." Pagpukaw atensyon saamin ni Zeph na seryoso ang mukha. Umiling ito, ano bang pinagsasabe niya?


"What?"


"That's the sign, she's becoming a pure." I gasp. Ah no, we gasp. Tumango ng marahan si Draven.

"Oh my god!"

"How is this become possible?!" Angelina hissed. Nasa finish line pa rin kami at hindi pa bumabalik kung nasaan si Prof.

"I don't know. But for now, Athena, you must act like you don't know the reason." Zeph said and i nod. This things are getting harder.


"Diba, ayon sa mga nakatataas, kapag ang pure ay kumagat ng tao, mamamatay ito. But the thing is, Draven ACCIDENTALLY bite, Athena. No desire. So how come na may sign na nagiging pure ito?" Trit said.


"It is possible...." Tumingin muna saakin si Draven. "If your parents was a pure."


"But, Athena's family was a mortals and besides, kayo lang ang natitirang pure, Draven. I mean, your family." Havord said na sinang ayunan naman ng iba.


Nagkibit balikat lang si Draven at nagsimulang lumakad pabalik.


"I guess. We must observe, Athena." Zeph said at tumango na lang kami. Sinundan nalang namin si Draven at pabalik sa klase.

Immortal  CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon