"What's with the comeback of them? And who's that girl with a dark bloody red eyes? The girl is weird."
"Oh my G! Bumalik sila! Sino yang kasama nila? First time at ngayon ko lang sya nakita."
"What the? Is this for real?! Bumalik na sila?! Who's that girl?!"
"What's the reason?"
Gossip there! Gossip here! Hellooo! Naririnig namin kayo. Atsaka ano naman kung bumalik ang mga empires?! Packingtape. Pake niyo ba kung kasama ko sila?! Hindi ko na lamang pinansin ang mga tsismosa't tsismoso dahil hinila na ako Trit.
Dumiretso na kami agad sa dorm pero pumunta naman agad si Angelina sa Dean at kay Mr. Fred. Kailangan niya pa daw kasing kumbinsihin na sa dorm nila ako matutulog.
Namamangha ako sa kwarto nila. Parang bahay! Malawak at maganda. Kulay pula at itim lang ang makikita mo. May sariling kusina at sala pati na rin kwarto! Hinila ako ni Trit sa kwarto daw ng mga babae at tumambad naman saakin ang isang Queen size bed at tatlong closet. Oh akala ko dalawa lang sila.
"That's the closet of our old friend." Sabi ni Trit at ngumiti ng malungkot. Old friend? Sino naman kaya iyon. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at inayos na ang gamit ko. Sigurado naman daw kasing mapapayag ni Angelina si Dean at si Mr. Fred.
Sa kabilang pinto naman kasi ang kwarto ng mga lalake. Mukhang nasa hotel nga kami eh. Hindi ito mukhang dorm. Natapos na akong umayos ng gamit saka naman pumasok si Angelina na may ngiti.
"Pumayag sila. But there is a condition..." Nilapag niya muna ang maleta sa tabi ng closet niya.
"Ano naman iyon?"
"Athena will be interview by Mr. Fred after lunch." Sabi niya na may pagaalala sa mukha. Ngumiti lang ako.
"It's okay. As long as alam ko ang isasagot." Tumango naman sya at nagsimulang ayusin ang gamit. Lumabas muna kami ni Trit at dumiretso sa kusina. Tumambad naman saamin ang mga lalakeng kumakain na pala. Umupo naman ako sa tabi ni Trit.
"Where's Angelina?" Zeph ask.
"Here!" Nakita naming papalapit si Angelina. Wow, ang bilis niya namang mag ayos. Umupo sya sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain.
"Did Mr, Fred and Dean agreed?" Draven ask without looking at Angelina.
"Yup, but he'll interview Athena after lunch." Napatingin naman silang lahat saakin. Uh-oh
"If he ask you. Don't be intimidate by his stares." Sabi ni Zeph kaya tumango na lang ako.
"Just answer. At wag na wag mong babanggitin ang tungkol dito." Havord said at ngumiti. Tumango na lang ako. I feel like i am the one who is responsible for this. I sigh.
Pagkatapos namin kumain ay sya namang may kumatok. Tumayo ako at binuksan ito. Isang lalakeng nakasalamin ang tumambad saakin. May mga pulang mata ito pero kakaiba saakin. Bampira sya malamang!
"You are Ms. Athena Valerie Gaverson, right?" Tanong nito.
"Uh, yes" He stared at me. Hindi na lang ako nagpapitlag. Medyo nakita ko ang gulat sakanya ng tumitig ito sa mga mata ko pero sandali lang naman iyon. Bigla syang tumikhim at walang pakundangang nilampasan ako at pumasok. Tss.
Sinundan ko na lang ito at nagulat naman sila Trit dahil bigla itong umupo sa sofa. Lahat kami ay nandito at nakatingin sakanya.
"I will be interviewing you, here." I gasp. HERE?! Okay. That's good naman pero baka madistract ako sa mga tingin ng mga kasama ko.
"But Mr. Fred, it will be great if you interview her in your office." Reklamo ni Havord.
"Nope. Your dorm has a good ambiance. The color and the people..." Indeed, he has a intimidating aura. Nilibot niya ang paningin at bigla naman itong tumingin saakin kaya medyo nagulat ako.
"But-"
"No but's empires...." He said. "Now, Athena. The first question is, are you a turned or what?"
Napalunok ako at umiling. Tumitig pa ito sa mata ko at nagkibit balikat.
"Well, your eyes said no..." I sigh in relief. Ganoon din ang mga kasama ko pero kalmado lang si Draven sa palagay na 'to.
"Hm, what do you mean?" I suddenly ask.
"Your eyes are darker and more bloodied." He merely said kaya nagtaka ako sa mata ko. Hindi ko iyon pinakita at tumango na lang. Bigla naman itong pumalakpak at tumayo.
"Tapos na?"
"Fortunately, yes! But..." Tumitig muli ito sa mata ko at ngumiti ng nakakatakot. "I'll be observing you. You are unfamiliar to me. You have something in yourself."
Napalunok ako muli. "Ganoon po ba? Sige po, hahayaan ko kayo. Wala naman kayo g makukuha."
He smirked. "Thank you for letting me in. Bye!"
Lumabas naman ito sa kwarto at sabay sabay kaming nakahinga ng maluwag.
"That was close!" Tawang sabi ni Havord.
"Yeah. But we must be careful. He knows something pero hindi pa niya ito nakoconfirm." Sabi ni Zeph kaya tumango na lang kami. Bukas pa pala ang klase kaya makapagpahinga pa kami. Ano naman kaya ang pagaaralan namin? Tss. Kailangan ko pa tuloy magingat sa mga galaw ko.
