"Alezandria, Alezandria!" Tinapik tapik ni Halie ang pisngi ko sanhi ng paggising ko. Unti unti ko namang minulat ang mata at napansing parang nasa gubat kami.
"Nasaan tayo?" Nagtataka kong tanong. Tumayo naman ako at inalis ang mga rumi sa damit ko.
"Vampire world." I gasp. Tangina ano daw?!
"H-ha?!"
"Nagkaamnesia ka ba?" Then it hit me. Oo nga pala, isa na ako sakanila.
"Sorry. So saan tayo? Bakit parang nasa gubat yata tayo?" I said. Tumingin naman sya saakin at ngumiti na parang nahihiya.
"Oo, nasa gubat nga tayo." Kumunot ang noo ko. "Dito tayo dinala ng portal."
Napatango na lang ako at nagsimula na kaming lumakad. Nakakapagtaka, diba ang mga bampira ay nasusunog sa araw? Pero nagkamali ata ako ng nalalaman eh. Tirik na tirik ang araw dito pero hindi kami nasusunog.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Isa na ako sakanila at kakaiba pa ang kumagat saakin. And he likes me! Sa pagkakaalam ko, ang popogi ng mga bampira diba?! Oh my.
"Are you okay?" She ask. Tumango na lamang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Hali-"
"Triton." Napakunot noo ako. "Triton is my vamp name."
Napatango tango ako. "Triton is a greek god. Messenger of the sea."
Thanks to our history professor.
"Yup." Emphasizing the 'p'. "We're here."
Panglalake.
Napatingin ako sa kalsadang may mga magarang sasakyan. Sobrang plain, sobrang linis. Wow, mas malinis pa sila sa tao. Lumakad kami hanggang sa makarating kami sa isang magarang-or should i say 'mansion'. Sobrang modern ng bahay pero maganda pa rin.
"Uy. Hal-Trit, kilala mo ba sino may ari nito?" Sumunod lang ako sakanya ng may mangharang na gwardiya sa harap namin pero ng makita niya si Trit ay yumuko ito at pinapasok kami.
"I like that 'Trit' of yours." And she winked after she continued. "Yup. Fortunately, this is ours."
Napanganga ako. Wow! Nakakahiyang ilipat ang bahay namin dito eh. Puro matataas. Siguro aabutin ako ng ilang taon bago magkaroon ng ganito kagarang mansyon.
Pumasok kami sa mansyon na 'to at nadatnan namin ang isang babae na nakaupo sa sofa at nanonood ng T.V.
"Thannn!" Tawag ni Trit. Uh, dapat na pala ako masanay sa new name ni Halie. Napatingin naman ang tinawag ni Trit na si Than? At walang pakundangan itong niyakap si Trit.
"Ateee! I missed you." Sabi nito. Namiss ko tuloy ang kuya ko. Takang tumingin naman ito saakin. "Who is she?"
"Ah. Athena this is my sister Thanatos. Than this is my bestfriend Athena." Napakunot noo ako. Athena?! Eh hindi naman Athena ang pangalan ko!
"Hi, Athena!" Sabi ni Thanatos. She is beautiful, i could say. Wews, kababaeng tao Thanatos ang pangalan? Mahilig ba sila sa Greek Gods?! You know, Thanatos is a minor god and a god of death.
Death.
Death.
Packing tape.
Ngumiti lang ako sakanya. Pagkatapos ay bumalik na sya sa panonood at kinalabit ko naman si Trit. "Athena, huh?! Kinakahiya mo ba ako?"
She chuckled. "I'll explain it. Let's go to my room."
Gaya ng sinabe niya pumunta kami sa kwarto niya. Which is creepy. Color red. Humiga ako sa kama niya at ramdam kong pagod na ako. Kaso kailangan ko munang pakinggan ang eksplenasyon ng babaeng 'to.
"To hide your identity." Sabi niya. Wadapak?! Yun lang?! Eh ang ganda ng pangalan ko ah.
"Para saan?"
"Ones na malaman nilang Turned ka, gagawin kang alipin dito." Aniya. Ayaw ko. Nakakatakot. Itong lugar na kahit malinis ay may mararamdaman ka pa ring kakaibang aura sa paligid.
"What excuse do you think you're thinking?" Pinanliitan ko sya ng mata. Nagkibit balikat naman ito.
"You have the empire bite. Hindi ka mapapahamak." She said. I don't get it. "You don't get it, right?"
I nod. "Yep. Porke ba empire bite? Di mapapahamak?"
"Aba magpasalamat ka nalang at kakaiba ang kumagat sayo! Hindi ordinaryong bampira lang." She hissed.
"Lang? Bakit hindi ba kayo ordinaryo?" I ask. Sumeryoso ang mukha nito atsaka umiling. "Eh ano?"
"We are empire."
