Two

9 0 0
                                    

"A vampire is created when a person ingests vampire blood, but the transformation is not complete until they feed on human blood...." Napatakip ako ng bunganga ko. Sabi ni Halie magresearch na lang daw muna ako about Vampires. Edi ginawa ko naman.

"Once turned, they suffer from bloodlust and must feed on blood, human or animal, to survive." Tumingin ako kay Halie na sa ngayon ay nageempake. "Halie!"


"Hmm?" Sa ngayon ay mga gamit ko naman ang inaayos nito. Ayon sakanya, kailangan daw akong madala sa lugar nila dahil kailangan ko ang dosage.


"Totoo ba 'tong naisearch ko? Kailangan pa ng dugo ng tao?" Tanong ko pero natawa ito.

Tumango sya. "Yup."


Isinara ko naman ang laptop ko at tinulungan sya. "Hindi pa rin ako makapaniwala eh."


"It's because you turned into a vampire?" She asked.


"Oo. Hindi naman kasi ako naniniwala sa ganyan, pero ako pala ngayon ang magiging bampira." I sigh. I heard her chuckled kaya napatingin ako sakanya.


"This is will be fun..." Ngumiti sya. A creepy smile. "Trust me."


Matapos kaming mag ayos ay inilibot ko na ang paningin ko sa dorm na ito. Tatakas nga kami eh. Hindi ko alam paano kami tatakas na may dalang bag na malaki. Si Halie na bahala. Sabi niya mamayang lunch kami aalis, kasi gabi na daw sa Vampous World.


Ni hindi ko nga naririnig sa mundo ang lugar na Vampous. Sigh. Is this my new life? Paano sila mama? Hays. Kinalabit ko su Halie.


"Bago tayo aalis mamaya, pwede bang magpapaalam muna ako sa pamilya ko?" Sabi ko pero biglang sumeryoso ang mukha nito at umiling kaya nagtaka ako.


"No. No mortal must know about this..." Sumimangot naman ang mukha ko. "Look Zand, They will not believe you."


"Pero bakit ikaw? Diba sabi mo umuuwi ka-"


"My family isn't mortal."


Tumango na lang ako. Tama nga sya, wala namang maniniwala saakin. Tinapik ni Halie ang balikat ko at nginitian ako.


"Prepare it's already 11am." Aniya at tumango ako. Sabi niya kailangan ko suotin ay itim. Kahit naman gusto ko ng itim, ayaw ko naman yung pati mukha ko puro itim.

Nilagyan ba naman ng eyeliner ang ibabang pilik mata ko. Asar, mukha tuloy akong adik. Pero kailangan daw eh. Isang araw lang naman daw.

Black leather jacket, black jeans, black rubber shoes, and black v neck shirt para sa loob ng jacket. Hindi rin adik sa black 'no? Magmumukha akong terorista nito. All black na all black. Iisipin ko tuloy na mga Goth people ito. Vampires pala.


"Ready?" She said. Aalis na kami, nakatayo ako sa likod niya at hinihintay na magtransform sya sa paniki or what. "What?"


"Hindi ka ba magtatransform sa paniki?" Tanong ko pero natawa ito.


"Hindi ako dracula! Ano ka ba. Tara na nga."


Ah. Dracula? Ano iyon? Nakakasakit naman ng ulo oh! As usual maraming estudyante ang naglalakad sa hallway. Syempre tanghalian eh! Nagtataka nga sila. Nagpapahila lang ako kay Halie na nakayuko. Sa dami ba namang matang nagtataka. Sinong di magtataka eh nakaitim kami?! Mukhang punk rockstars eh.



Nasa field na kami malapit na sa gate. Biglang huminto si Halie at umupo.


"Hoy! Bakit ka ba umu-"


"Sakay!" Nakuha ko naman ang sinabe niya kaya sumakay na lang ako. Pagsakay ko ay parang tumatakas na yung mga laway sa bunganga ko sa sobrang bilis. Tangina, di ko naman inaakala 'to eh. "Andito na tayo sa labas. Mulat mo na mata mo."


Nasa labas na nga kami ng gate. "Saan tayo?"


Hindi sya sumagot bagkus ay may sinabe syang hindi ko maintindihan at biglang may lumitaw na itim na umiikot ikot.


"Portal."


Hindi pa nga ako nakapagsalita ay bigla na niya akong hinila at nilamon ng nakakahilong dilim. Shet. Ayoko na ulit sa portal na 'to. Naramdaman ko na lang na nahihilo at nawawalan na ako ng lakas.

Immortal  CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon