Immortal Creatures
Written by: HanniyeahJ
Date started: June 27,2017
Date finished:------
There are some gramatical errors, bad words, wrong spelling, Typo graphical errors, and so whatever errors. So please, bear with it.
I trust you.Lovelots!
You have been WARNED.
xxxxxx
"Kainis naman oh!" Pinunit ko ang papel na sinusulatan ko at itinapon sa basurahan. Ano bang alam ko sa mga Immortal Creatures na 'to?! Bwisit.
Tumayo ako at pumunta sa lamesa. Nagsalin ako ng isang basong tubig at dire diretso itong nilagok. Nakakafrustrate naman na assignment 'to. Punyeta!
Bumalik ako sa pagsusulat at nagisip kung ano nga ba ang mayroon sila. Kung sa bampira kaya ako magpokus? Napangiti ako.
Pauso kasi yung guro namin. Hindi naman nabubuhay yang mga imortal na yan. Lahat ng tao dito ay namamatay. Nakakainis. Out of the topic na sya eh. Akalain mo? Professor namin sa Math tapos ganito ang takdang aralin?
They can run fast. As fast as you can't see them. Blurry. Red eyes but sharp and clear. Fangs that starving a blood. Blood is life.
Turned
Or
Die
Napahinga ako ng maluwag. Iyan lang pala ang katapat. Bakit pa kasi andami ko pang paligoy ligoy kanina. Ayan tuloy andami nanamang papel sa basurahan ko.
Tumingin ako sa bintana dahil parang may napansin akong mabilis na dumaan at humangin pa ng malakas. Teka, magnanakaw ba?! Eh paano naman makakaakyat yun dito eh nasa 3rd floor ako?
Baka guni guni ko lang iyon. Stress na stress ako eh. Sinarado ko na ang bintana ko dahil may klase pa ako bukas. Antagal kong nagisip dahil sa lintek na assignment na iyan ha. Pinatay ko na ang ilaw, ala una na oh.
Humiga na ako sa aking malambot na kama. Ipipikit ko na sana ang aking mata ng biglang may malakas na bagsak ang narinig ko. Kaya napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at dali daling binuksan ang ilaw. Wala namang iba pero nakabukas ang bintana ko. Ano ba iyon?
Sinarado ko na ito at mas hinigpitan ang pagkakalock rito. Baka hangin lang. Bumalik na lang ako sa aking pagkakatulog.
Hinintay ko na lamang na kainin ako ng dilim.
"Aaaaahh!" Napaupo ako agad saaking kama dahil biglang kumirot ang leeg ko. Tanginis ano iyon? Sobrang sakit. Hinawakan ko ito ngunit wala naman. Tinignan ko ang oras at alas tres na pala! Kulang na kulang pa ang tulog ko.
Baka langgam lang iyon na may mga special force. Hays, ganoon na ba ako kaganda at lalaplapin ako ng nga langgam sa leeg? Naku naman, di ako pumapatol sa mga maliliit eh! Napansin kong nakabukas muli ang bintana, what?! Wag mo sabihing may mumu dito?! Isinarado ko na lamang ito at dali daling humiga.
Bumalik na lamang ako sa pagtulog at magigising pa ako ng alas singko. Ilang taon lang din naman ang gugugulin ko sa pagaaral at makapagtapos na din ako.
Nakalimutan ko nga palang sabihin. Nakadorm ako sa eskwelang pinapasukan ko. Mag-isa nga lang ako ngayon dahil wala si Bestung Halie ko. Nasa parents eh.
Pumikit na ulit ako at natulog na syempre. Marami pang gagawin bukas. Dagdag stress nanaman ang araw bukas. Naku. Sana naman mamasyal si crush Nathan sa panaginip ko. Hihi!
"ALEZANDRIA!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko dahil sa lakas ng sigaw na iyon. Napatingin ako sa sumigaw at nanlaki ang mata ko.
"Bestung Halie!" Yumakap ako sakanya dahil namiss ko 'to 'no! "Namiss kita!"
"Di kita namiss." Aniya kaya napasimangot ako. Kung ako tatanongin sa itsura ni Halie? Para syang naglalakad na gluta sa sobrang puti. Ewan ko ba, maputi naman ako eh pero hindi yung ganoon sakaniya.
"Edi shing." Humarap ako sa salamin na nasa kaliwa ko lamang. Napatingin ako sa kanang leeg ko. What the hell is this?
"What the?" Nagulat din si Bestung sa leeg kong may kagat na dalawang bilog. Ito ba iyong kagat ng langgam? Mas lumapit ako sa salamin at mas pinakita ito.
"Kagat lang ito ng langgam." Hinarap ko si Bestung at ngumiti pero nakatingin lang siya doon.
"Zandria. Sinarado mo ba ang pinto kagabi?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Oo naman! Bakit alam mo ba ano ito?" Tanong ko at tumango naman ito. Kung tama nga ang hinala ko... "Halie? A-ano 'to?"
"Empire Bite."