"Enrolled ka na." Masayang sabi ni Trit. Tumango na lang ako. Itutuloy daw namin ang studies sa Vladimirs Academy. Yeah, Vampous world pa rin. Nung malaman niyang si Draven ang dahilan ay mas lalo syang naging clingy. Dikit ng dikit saakin, minsan nga ay kapag ako ang kinakausap sya na ang sumasagot. Baka daw madulas ako. Hays.
"Doon ba talaga tayo magdodorm?" I ask and i saw my peripheral vision that she nod. I can't deny that i'm excited. Makakakita ako ng eskwelahan ng mga bampira. Bukas na bukas daw kasi ay papasok na kami. Pagkatapos naming magempake ay biglang may kumatok sa kwarto ni Trit.
Binuksan naman niya iyon at iniluwa doon ang apat. May dala din silang mga maleta kaya nagtaka ako.
"Oh? Ba't may mga maleta kayo?" Tanong ni Trit. Pumasok ang apat at walang pakundangang umupo sa kama ni Trit. Ang seryoso ng mga mukha.
Awkward.
Saamin ni Draven. Hindi ko sya tinitignan.
"We'll talk about Athena and Draven." Seryosong sabi ni Havord. Ngayon ko lang sya nakitang ganyab kaseryoso. Lagi kasing nakangiti iyan. Bigla naman ako kinabahan.
"This whole night, huh?" Nakangising sabi ni Trit. Kami nanaman ang topic.
"Yup..." Angelina said emphasizing the 'p'. "And, we'll sleep here!"
"What the hell?! Ano magsisiksikan na lang ba tayo sa kama ko?"
"What's the use of Guest room?" Pilosopo talaga 'tong Draven na 'to.
"Sabay tayong papasok bukas." Seryosong sabi naman ni Zeph. Tumango tango na lang ako. Mabuti nga. "Pero dito tayo maguusap. Sound proof naman ang kwarto ni Alicia kaya safe."
Pagkatapos nilang magayos sa kani kanilang kwarto ay agad naman silang pumarito. Nakapwesto kami ng pabilog para magkaunawaan kami. Sirado lahat ng pinto maging ang bintana. Ayos din sila, segurista.
"So, how do we tell the faculties? Alam mo naman si Mr. Fred may photographic memory. Malamang malalaman niya kung sino sino ang empires." Mahabang saad ni Havord.
"Ako na ang bahala jan. I'll tell him that Athena will be on our dorm." Zeph said. May sasabihin sana si Angelina pero may kumatok. Tumayo naman si Trit at inunlock ang mga kandado doon. Iniluwa naman nito ang isang kasambahay na may dalang mga pagkain. Kumakain din pala sila ng mga human food. Kinuha niya ang pagkain at nilock ang pinto.
"Hapunan." Tumango na lang kami at isa isang kinuha ang mga pagkain na para saamin.
"So, do you think the Dean willl approve that? Diba may rule na bawal makisalamuha ang mga Turned sa Empires?" Angelina said. Napasinghap ako doon. I feel like i'm not belong to them. Oh well, hindi naman talaga. I'm just a turned one.
"Athena is not a Turned." Draven said. I gasp. He's so serious. Ipinagtatanggol niya ba ako? Omg.
"Yup. But we can't deny that you turned him into a vamp. Draven, look. Kung hindi ka sana sumuway at lumabas ng mundo natin wala sanang mapapahamak ng ganito." Trit said. Nakipagtitigan sya kay Draven pero sya rin ang unang bumawi. Feeling ko eh kasalanan ko 'to.
"After the Lunar Eclipse. I will tell Mom and Dad about this." Seryosong saad ni Draven kaya nagulat kami lahat.
"Tangina brad! Ayaw na naming may mawala pa. Nawala na si Reena tap-"
"Don't you dare mention that name." Draven coldly said. Damn.
"Tama si Havord. Wag kang padalos dalos, Draven. Pagkatapos ng buwan na 'to ay Lunar Eclipse na. Sigurado ka ba jan?" Paninigurado ni Angelina. It's July 6. So, there will be 25 days left.
"I'm sure. The Lunar Eclipse are the day for the pures." He seriously said. Damn, wala akong alam dito. Did i say that Trit will lecture me about them? Tss.
"What di you mean?"
"Athena will be pure. That means, we can't escapethe highest positions. Malalaman nilang kinagat ng isang empire ang isang tao." Mahabang eksplenasyon nito.
"What the?!"
"Oh my gosh!"
"Dammit."
"Shit!"
Sabay sabay nilang sabi. Bumuntong hininga na lang ako. Now, i'm in danger. Pwede nila akong patayin dahil baka salot lang ako.
"There will be a history class. Malalaman niyo lahat." Sabi ni Draven at lumabas na. Bakit? Hindi ba alam ng mga kasama niya? Mas lalong gumugulo ang isip ko dito!