Twelve

5 0 0
                                    

"Havorrrrddddd!" Napatakip ako ng tenga ko dahil sa matinis na tili ni Trit. Inaasar kasi sya ni Havord kaya ayan, nainis. Inabutan naman ako ni Angelina ng isang basong dugo pero napangiwi ako.

Full moon kasi kaya sobrang natatakam sila...sila lang. Hindi ko alam bakit kaya nagulat si Angelina nung tinabig ko yung kamay niya at medyo nasuka ako.


"Diba d-dapat?" Takam na takam pa nga silang uminom. Litaw pangil pa, pero nasusuka ako sa amoy ng dugo. May amoy kalawang.


Bigla silang napatingin saakin ng seryoso pero mukhang walang pakealam si Draven. Nagtaka rin nga ako, bakit kaya?


"Her being vampire is not fully pure...." Seryosong sabi ni Draven kaya napatingin kami lahat sakanya kahit ang nagkukulitan na Havord at Trit. Nasa dorm na kasi kami, at mukhang magpupuyat sila dahil sa Full Moon.


"Ibigsabihin, parang nagloloading pa ang pagiging vampire niya?" Tumango naman si Draven.


"It's because, Draven is not a common. Because of his pure blood vampire, it makes Athena to slow the process to make her a pure like Draven." Paliwanag ni Zeph habang nilagok ang dugo kaya napangiwi ako. Ew.


"So, bakit minsan parang agad agad syang natataka-"

"It is part of the process." Draven said. Minsan nagtataka na lang ako, amerikano ba 'tong lalakeng 'to? Ni hindi ko narinig gumamit ng salitang Filipino.



Tumango na lang sila habang ako naman ay kumuha ng tubig sa kusina. Nagsasiyahan kasi sila sa sala habang umiinom ng dugo. Saan kaya nila iyon nakuha? Sa tao? Hays.


Nakaramdam ako ng gutom kaya kumuha nalang ako ng chocolates. Minsan nga gustong gusto ko ng dugo. Pero hindi ko minsan, hinahanap ang dugo ng tao. Diba ganun naman? Dugo ng tao. Kahit anong dugo gusto ko, minsan. Siguro dahil roon sa dosage na itinurok saakin ni Trit. Medyo hindi pa nga ata tanggap ng katawan ko eh.


"Ang lalim ng iniisip mo." Bigla na lang ako nabalik sa wisyo ng lumapit saakin si Angelina. Wala na iyong pangil nila. Nasa kusina pa rin kasi ako, hindi ko alam. Kumuha naman sya sa double door ref ng ice cream. Hindi pa sila nabusog sa ininom nila kanina?!


"Oo nga eh..." I chuckled. "Tapos na ba kayo?"


She nod. "Yeah. Sorry nga pala, hindi ko kasi alam na may proseso pa pala."


"Okay lang iyon, Angelina. Hindi mo naman alam eh." Nginitian ko sya. Hindi ko kasi maimagine na umiinom ako ng amoy kalawang. Grr. Pero minsan ginagawa ko naman! Ang gulo. Sabay kaming pumanhik sa kwarto namin dahil andoon na daw silang mga babae.


Humiga naman ako sa gitna nila at nakatitig sa kisame. Hindi ako makatulog.


"Trit? Ange?" Napa 'hmm' naman sila sa pagtawag ko. Sabi ko nga hindi pa sila tulog. "May tanong ako."


*krrooo krooo*

Okay. Silence.


"Ano iyon?"


"Bakit pagcommon walang proseso?" I suddenly ask.


"It's because there's no special in their blood. Para bang hindi sila pure vamps." Paliwanag naman ni Angelina.


"Our world here isn't fair, Athena..." Rinig kong sabi ni Trit. At gaya ko alam kong nakatitig din sila sa kisame. "The empires are powerful here and the commons are just a wasted kinds of vampire. But the pure are so much powerful than us."


Naalala ko bigla si Draven. "What do you mean?"


"Kumbaga sa hayop, pure's are endangered species. The parents of Draven and him are the only one pures...." I gasp.



"Really?!"

"Yup..." She emphasized the 'p'. "And there is the possibility that you might get one of them."


Gulp. "What do you mean?"


"Hindi ka nila matatanggap." Sabi ni Angelina. Hindi naman kasi ako katanggap tanggap. In the first place, tao lang ako.


"Alam ko naman eh.."


"But there is a possibility that you will be the   Pure's half guardian." Bigla ako napalingon kay Trit.


"Pure's half guardian?"


"Yeahyeah. Bukas mo malalaman iyan dahil topic natin yan sa history. Inaantok na rin ako eh." Aniya at napahikab na lang. Nilingon ko si Angelina at tulog na pala ito, nakanganga pa.


Pure's Half Guardian? Ano iyon? Mas lalo tuloy ako nacucurious sa lugar na 'to. Ano nga bang meron dito? Hays. Pinikit ko nalang ang precious eyes ko at hinayaang lamunin ng dilim.

Immortal  CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon