Kabanata 1

35.2K 648 56
                                    

Parang pinupunit ng malakas kong sigaw ang katahimikan ng gabi.

Pero mali ako sapagkat walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Nanatili akong nakagapos habang umaagos ang masaganang luha saking mga mata.

Sa harap ko ay nakatunghay ang isang matandang babae na tila kasintanda na ng panahon.

 

“Yakapin mo ng buong puso ang iyong kakayahan. Dahil ikaw lang ang may kakayahang iligtas ang iyong ina at ang lalaking nakatakdang magpapatibok ng puso mo.”

 

Sa saglit kong pagpikit ay umihip ang napakalakas na hangin.

Kasabay niyon ay ang nakakahihindik na alulong ng mga asong tila nababaliw.

“Aliah? Are you okay? Para kang pinagpapawisan ng malagkit na hindi namin mawari.” Naputol ang pagmumuni-muni ni Aliah dahil sa tanong na iyon ni Aly, kaibigan at kapwa niya manunulat.

Kasalukuyan silang nasa loob ng isang kilalang coffee shop na matatagpuan sa Eastwood kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Em.

“I’m okay. Medyo nadala lang ako sa  isinusulat ko,” sagot niya sa kaibigan.

Bago pa man siya makapag-react ay hinila na ni Em ang laptop niya at walang-pakundangang binasa ang kanina lang ay sinusulat niya. “Ang weird naman nitong sinusulat mo. Kelan ka pa nahilig sa horror?”

Nagkibit-balikat lang siya. The truth is, hindi rin niya alam kung saan niya napulot ang ideyang ‘yun. Basta kanina ay parang may sariling utak ang mga daliri niya at kusa iyong tumitipa sa keyboard ng laptop niya.

Romance talaga ang forte niyang isulat. Pero lately ay parang naiisip na niyang magsulat ng story na suspense naman ang genre. Maybe it all started during her 19th birthday which happened just last Saturday.

Paano ba naman ay bigla na lang siyang niyayang mag-roadtrip nina Em at Aly sa Tagaytay kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Jenelle at Rhadson. While they were in Tagaytay, bigla na lang may nag-ungkat tungkol sa mga magulang niya.

Her parents died when she was just fifteen. Iyon ang pinaniniwalaan niya kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng mommy niya simula nang masangkot ang pamilya nila sa isang car-accident na agad na ikinasawi ng daddy niya.

While she was in the hospital mourning for her dad’s untimely death, she was also in deep grief since her mom was still missing.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon