Nang makita ni Yuri si Aliah na nakatayo malapit sa babaeng sinagip nila kanina, pakiramdam niya ay may naalis na malaking tinik sa dibdib niya. Noong una, akala niya ay namamalikmata lang siya at baka epekto lang ng gutom ang nakikita ng mga mata niya.
Pero ngayong yakap yakap na niya ito, sigurado siyang hindi lang iyon basta isang simpleng guni-guni. It was real. The heat that was coming from her was surreal.
“I’m so sorry, Yuri. Pati ikaw nadamay dahil sa katigasan ng ulo. Sana pala nakinig—”
Hindi na niya hinayaang ipagpatuloy ng dalaga ang pagse-self pity. Sinaway niya ito sa pamamagitan ng pagtikhim. “Enough, Aliah. Hindi naman kita sinisisi. Ang totoo’y kasalanan ko rin naman kung bakit tayo umabot sa puntong ito. Kung tutuusin, kaya naman kitang pigilan na hindi umalis kanina. Pero hindi ko ginawa…”
Gusto niya sanang idugtong na kaya niya hindi ito magawang salungatin sa kahit na anong gusto nito ay dahil natatakot siyang baka lumayo na naman ang loob nito sa kanya. Ayaw niyang maramdaman at isipin ng dalaga na hindi niya pinapahalagaan ang mga desisyon nito.
“Ang mahala ay ligtas ka. At ang kailangan nating gawin sa ngayon ay ang manatiling buhay hanggang sa may dumating na mga rescuers.”
“Exactly,” sabad ng kasamang lalaki ni Aliah na halatang masama ang timplada base na rin sa pagkakakunot ng noo nito.
Tila doon naman naaalala ng dalaga na ipakilala sila sa isa’t isa. “Yuri, this is MJ. Isa rin siya sa mga pasaherong nakaligtas kanina. MJ, this is Yuri, a friend of mine.”
Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng lalaki kahit na nga ba may pakiramdam siyang hindi bukal sa loob nito ang ginawang pakikipagkamay. Well, wala rin naman itong ibang choice kundi ang pakisamahan silang mabuti dahil mayroon siyang means of survival.
Mabuti na lang ay hindi niya inalis sa katawan niya ang maliit na belt bag niya na naglalaman ng kutsilyo, lighter, at ilan pang malilit na bagay na lagi ay dala-dala niya.
Mayamaya lang ay nagpaalam siyang mangunguha pa ng ilang dahon ng niyog na gagamitin nila para gawin nilang silungan at para na rin panangga kung sakali mang mayroong mga naglipanang mga mababangis na hayop sa islang iyon.
“Tutulungan na kita,” pagpi-prisinta ni MJ na hindi rin naman niya inayawan dahil malaking tulong nga naman iyon lalo na at malapit nang kumagat ang dilim.
*****
MAHIGIT tatlumpong minuto nang nakakaalis sina Yuri at MJ pero nanatiling tahimik ang dalagitang nasa tabi ni Aliah. Kibuin dili siya nito at halos nakatanga lang sa kawalan. Kanina pa siya daldal nang daldal pero wala man lang itong reaksiyon. Kaya sa halip na magmukha siyang tanga sa kaka-chika ay namulot na lang siya ng mga maliliit na sanga na maaari nilang ipang siga mamaya kapag tuluyan nang lumatag ang dilim.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
FantasiaThis story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)