Papasikat pa lang ang araw ay nakagayak na sina Aliah at Yuri para pumunta ng Cebu. Hindi na hinayaan pa ni Aliah na tulungan siya ni Yuri na ilagak ang mga gamit niya sa likod ng lumang Terrano ng binata na siyang sasakyan nila hanggang Ormoc. Iiwan lang nila ang sasakyan nito sa pantalan dahil doon sila sasakay ng roro.
“Mag-iingat kayong dalawa sa pupuntahan niyo. Yuri, ikaw na ang bahala sa apo ko.”
Muling nakaramdam ng lungkot ang dalaga nang mahigpit siyang yakapin ng lolo niya. For how many years, ngayon na lang ulit may yumakap sa kanya ng ganoon kahigpit. Ramdam niya ang pangungulila sa yakap ng lolo niya.
“Huwag po kayong mag-alala. Mag-iingat po kami, lo. Ano po ba ang gusto niyong pasalubong pag-uwi namin?”
Umiling-iling ang lolo niya. “Kahit wala na, hija. Ang mahalaga’y maluwalhati kayong makauwi dito sa atin. O siya, umalis na kayo at baka mahuli pa kayo sa biyahe ng roro.”
Habang nasa daan ay hindi alam ng dalaga kung paano aakto sa harap ng binata. Iniisip niyang baka galit pa rin ito dahil iniisip nitong ayaw niya itong makasama. Or worse, baka iniisip ni Yuri na ayaw niya dito.
Kaya sa halip na ma-stress sa kakaisip sa kung anong taktika ang gagamitin niya para mawala ang ‘awkwardness’ na namamagitan sa kanila ni Yuri, mas minabuti na lang niyang pagtuunan ng pansin ang celphone niya. Sinagot niya lahat ng importanteng messages na hindi niya nagawang reply-an habang nasa Javier siya.
Pero makalipas ang mahigit isang oras na biyahe ay hindi na siya nakatiis pa. Nilingon niya ang binata na sakto namang lumingon din sa kanya. Seryoso ang mukha nito na hindi nagtagal ay bumalik din ang atensiyon sa daan.
“Galit ka ba?” sa wakas ay nagawa rin iyong itanong ni Aliah sa binata. “Kung galit ka kasi iniisip mong ayaw ko sayo, forget it. Hindi lang tayo nagkaintindihan kahapon.”
Muli siyang tinapunan ng tingin ng binata. “Hindi naman ako galit. At sorry sa inasal ko kahapon,” malumanay sa sabi ng binata.
Nang mga oras na iyon ay tuluyan nang nakaakyat sa langit ang haring araw. At kay gandang pagmasdan ni Yuri ng mga sandaling iyon. Ang kaliwang kamay nito ay nasa bintana ng sasakyan habang ang isang kamay naman nito ay nasa manibela. At nakadagdag pa sa cinematic effect ng tanawing nakikita ngayon ay ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ng binata. It was beautiful—or even more beautiful than the word beautiful itself. Kung marunong lang siyang magpinta, siguro ay iginuhit na niya ang napakandang tanawing iyon.
Malapit na sila sa bayan ng Ormoc nang magsimulang pumatak ang ulan. At habang palapit sila nang palapit sa sentro ng Ormoc kung saan naroon ang pantalan ay tila lalo namang dumidilim ang kalangitan.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
FantasyThis story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)