Kabanata 17

7.1K 191 22
                                    

University of Makati

Makati City

Kaharap ni Aliah sa isang pabilog na mesa ang dati niyang propesora na si Ginang Lucia Dela Cruz o mas kilala bilang Ma’am Lot. As usual ay masiyahin pa rin ito at tila hindi mauubusan ng chika. Noon pa mang nag-aaral siya ay malapit na talaga siya dito.

“Ano ba talaga ang sadya mo at talagang dumayo ka pa dito sa UMak, Aliah? By the way, thank you sa coffee na dala mo kanina,” ngayon ay serysoso na ang mukha ni Ma’am Lot.

“May itatanong lang po akong sana ako. Is it possible na nag e-exist po sa totoong buhay ang ability na makita ang hinaharap? Something na related sa pagiging Psychic.”

“Nangyari ba ito sayo personally?”

Tumango-tango siya at saka nagkwento ng ilang detalye tungkol sa panaginip niya. “Lately po kasi ay napanaginipan ko na namatay ‘yung dalawa kong pinsan. Isang babae at isang lalaki. Pero parang representation lang po siya. Kasi eleven days after kong managinip ng ganun ma’am Lot, namatay ‘yung lola ko. Nalunod siya sa balon na pinaglalabhan niya. Ang just recently, namatay naman po ‘yung lolo ko. Inatake siya habang may inaayos na kung ano sa puntod ng lola ko.”

“Baka nagkataon lang ang nangyari sa lola mo, dear. And maybe kaya inatake ang lolo mo ay dahil sa heat stroke. Or maybe because of depression,” paliwanag ni ma’am Lot.

“Pero totoo nga kayang may mga taong may kakayahang makakita ang pwedeng mangyari sa hinaharap? Kasi pakiramdam ko po nagkakatotoo talaga ‘yung mga panaginip ko.”

Tinitigan siya ng mabuti ni ma'am Lot bago ito muling nagsalita. “Well, I’m not really adept with such phenomenon so I suggest that you read some writings of Dr. Jaime Licauco. He is a parapsychologist. Colomnist siya dati sa isang spreadsheet, but I think you can get his write-ups on the internet. Kasi honestly, hindi agad natin mabibigyan ng kasagutan ‘yang mga tanong mo. That kind of matter should be investigated. Pwede kasing during those times na nananaginip ka at may pagkakataong nangyayaring masama sa mga taong close sa iyo ay dahil iniisip ka nila prior to the incident and you received their thoughts. Napansin mo naman siguro na puro relatives mo ‘yung involved. Try to read articles about premonition and precognition.”

Marami pa silang napag-usapan ni ma’am Lot hinggil sa usaping bumabagabag sa kanya. Pero hanggang sa magpaalam na siya ay wala pa rin siyang nakuhang matibay na sagot sa mga nangyayari sa kanya.

Pagkauwi niya ng bahay ay agad na hinanap niya ang mga articles na isinulat ni Dr. Licauco. Pero katulad kanina ay bigo rin siyang makahanap ng tiyak na eksplanasyon. Kaya sa halip na pasakitin lang ang ulo niya dahil sa magkakaibang artikulo na nababasa niya sa internet mula sa iba’t ibang tao ay nagpasya siyang ipahinga na muna ang katawan niya pati na rin utak niya. Simula nang umalis siya sa Javier noong nakaraang araw ay wala pa siyang matinong tulog.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon