Nagtaka si Aliah nang makita niya ang dalawang pinsan niya na nagtatakbuhan papunta sa isang lumang bahay. Nadaanan siya ng mga ito pero wala man lang ni isa sa mga ito na nakapansin sa kanya.
“Abby! Carlo!” tawag niya sa mga ito. Pero kahit na anong pagsisigaw ay parang hindi siya naririnig ng dalawa.
Sinubukan niyang lumapit sa mga ito pero bigla namang umihip ang napakalas na hangin. At sa isang iglap ay biglang nagdilim ang langit. Pagtingala niya ay dumagundong ang napakalakas na kidlat.
Napasigaw siya sa sobrang takot. And before she knew it, nagsimula nang bumuhos ang napakalas na ulan. Wala siyang masisilungan dahil malayo siya sa mga kabahayan at tanging mga naglalakihang puno lang ang nagsisilbing niyang proteksiyon mula sa ulan.
Sinikap niyang ihakbang ang mga paa pero parang nanlalambot ang mga iyon. Palakas nang palakas ang ulan at nagsisimula nang tumaas ang tubig.
Luckily, she was able to summon her feet and bring herself into a safe place before the water get too high.
Hindi niya alam kung paano siya napunta sa bubong ng isang lumang bahay basta’t nakita na lang niya ang mabilis na pagtaas ng tubig. Nasira at tinangay ng tubig ang maliliit na bahay na katabi ng bahay na pinagkakanlungan niya.
Tumagal ng halos kalahating oras ang malakas na pagbuhos ng ulan. Nang tuluyan iyong tumila ay nangangatal na siya sa sobrang lamig. Hindi rin nagtagal ay humupa ang tubig baha. Nang masigurong ligtas na ang paligid ay sinimulan niyang hanapin ang dalawang pinsan na kanina ay tinatawag niya.
“Abby! Carlo!” pasigaw na tawag niya sa mga ito.
Subalit echo ng sarili niyang boses ang nakuha niyang sagot.
Sa paglalakad-lakad niya ay tumambad sa kanya ang malalaking puno ng kawayan. At ganoon na lang ang panghihilakbot niya nang makita ang duguang katawan ng pinsan niyang si Abby na nakaipit sa mga kawayan. Abby was soaking wet and lifeless.
Napaatras siya nang kaunti dahil sa nakita niya. Ngunit sa isang hakbang niya paatras ay parang may naapakan siyang tila malambot na bagay. And what she saw almost made her fell on the ground.
Ang naapakan niya ay kamay ng pinsan niyang si Carlo na nakabalandra sa putikan. And just like Abby, he was also lifeless.
Sa nakapanlulumong tagpo ay mariing naisuklay niya ang mga daliri sa buhok niya at saka nagsimulang humagulgol.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
FantasiaThis story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)