Sa kabila ng matinding panginginig dahil sa kaba ay matiwasay na nakarating sa bahay nila si Aliah. Bahagya pa siyang nagtaka dahil kahit ilang beses na siyang bumubusina ay walang maid na nagbubukas ng gate para sa kanya.
Napilitan siyang bumaba ng sasakyan at siya na mismo ang nagbukas ng gate. Hindi na siya nag-abalang ipasok sa loob ng garahe ang kotse ni Yuri dahil alam niyang wala namang masasamang loob na nakakapasok sa subdivision nila.
Hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay ay tahimik pa rin at wala siyang nakasalubong ni isa sa tatlo nilang katulong. Pag-akyat niya sa second floor ay nagtaka pa siya nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto niya.
Bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. Mukhang napasok sila ng mga magnanakaw. Dinampot niya ang isang flower vase na nadaanan niya. Kung sakali man na tama ang hinala niyang pinasok ng masasamang elemento ang bahay nila ay hindi siya mangingiming gamitin ang flower vase na hawak niya.
Pero ganoon na lang ang gulat niya nang pagsilip niya sa loob ng kwarto niya ay isang partikular na bulto ang tumambad sa kanya.
"Tita Vivien? Anong ginagawa mo?" Huli niya ito sa aktong pilit na hinuhulaan ang number combination ng volt niya na naglalaman ng mga alahas na minana pa niya sa mga magulang niya. Marami rin siyang diamante sa loob ng volt na milyon-milyon ang halaga.
Halatang nagulat ang Tita Vivien niya sa bigla niyang pagdating. Balak siya nitong pagnakawan! Kaya pala wala siyang nadatnang mga katulong o gwardiya man lang. She was planning something evil.
Kung nagulat man siya dahil sa naabutan niyang tagpo sa loob mismo ng kwarto niya, mas higit na nagulat siya nang may dinampot itong baril sa ibabaw ng kama niya. Iniumang nito ang baril sa kanya. Tila handa itong kalabitin ang gatilyo ng baril kung kinakailangan.
"I thought you were dead. You were supposed to be dead right now. Lintik na Yngrid, 'yon. Hindi siya sumunod sa usapan namin."
Napaatras siya nang magsimula itong lumapit sa kanya. Mas lalong humigpit ang pagkakawahak niya sa vase. As if her life depended on it.
"Pero mabuti na ring nandito ka. Lintik na volt 'yan at hindi ko mahula-hulaan ang number combination." Ipinilig nito ang ulo tanda na pinapalapit siya sa volt niya. "Open it."
"Tita, anong nangyayari sa inyo?"
"I said open it!" biglang sigaw nito.
Kahit nanginginig ay nagawa niyang buksan ang volt na halos kasinlaki niya. Tumambad sa kanila ang iba't ibang jewelry boxes na naglalaman ng mga mamahaling alahas.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
FantasíaThis story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)