AUTHOR'S NOTE: Yung mga chapters po dito sa Wattpad ko ay unedited. Usually kasi ay nagpo-proofread ako kapag ipapasa ko na siya sa editor ko. Happy reading! :)
*****
Iyon ang ikaapat na araw nina Aliah at Yuri sa isla. Maaga pa lang ay gising na sila.
“Sa tingin ko ay hindi na babalik si MJ. Kung walang nangyaring masama sa kanya, marahil ay mas gusto niyang mapag-isa kesa ang makasama tayo,” narinig ni Aliah na sabi ni Yuri habang papunta sila sa tabing dagat. Napagkasunduan nilang maligo ng maaga para hindi sila abutan ng katirikan ng araw.
“Iyon na nga din ang iniisip ko. Sana lang ay walang nangyaring masama sa kanya. At sana kung may dumating man na rescuers doon sa parteng pinagkakanlungan niya, sana ay maalala niya pa tayong balikan. Hindi naman tayo naging masama sa kanya, right?”
Tumango ang binata sa kanya. Nang ilang hakbang na lang at nasa dagat na sila ay sabay silang napahinto.
“Ikaw na kaya ang maunang maligo?” untag ng binata sa kanya. Napatingin siya dito. Actually, kung sakali ay iyon ang unang pagkakataon na maliligo sila ng sabay sa dagat. Lagi kasi ay nauuna siyang maligo at pagkatapos ay ito naman ang susunod bago si MJ.
“Sabay na kaya tayo?”
“Sure ka?” tila diskumpiyadong tanong ng binata.
Nginitian niya ito. “Sure na sure.”
At buhat sa sinabi niya ay para silang mga bata na nag-unahang maghubad ng mga saplot. Si Yuri ay tanging briefs lang ang itinirang saplot sa katawan. Siya naman ay bra at panty lang ang itinira.
Nag-unahan silang tumakbo papunta sa dagat hanggang sa namalayan na lang ni Aliah na hanggang dibdib na niya ang tubig. Nang saglit siyang tumayo para sana hanapin ang binata ay hindi niya ito mahanap.
Nagpa ikot-ikot siya mula sa kinatatayuan niya. Wala talaga si Yuri. Pero kung kelan nag-uumpisa na siyang matakot ay saka naman may mga kamay na dumaklot sa malalanntik niyang bewang at saka siya itinaas sa ere.
It was Yuri. Tawa ito nang tawa nang makita ang pamumula ng mukha niya. Alam niyang namumula siya dahil nararamdaman niya nag pag-iinit ng magkabila niyang tenga.
“Pasaway ka! Aatakihin ako sa nerbiyos dahil sa—“
Hindi na nagawang ituloy ni Aliah ang sinasabi niya dahil naramdaman na lang niyang hinahawi ni Yuri ang ilang hibla ng buhok niya na tumabing sa mukha niya. Halos hindi siya makahinga ng maayos dahil sobrang lapit na niya sa binata.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
FantasiaThis story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)