Hindi maiwasang isipin ni Aliah na parang déjà vu ang nangyayari nang mga sandaling iyon. Nakatayo siya sa harap ng isang kabaong at tahimik na umiiyak. Ang pinagkaiba lang ngayon, mas mahaba ang kabaong ng lolo Felix niya dahil matangkad ito samantalagang ang lola Lucia naman niya ay halos hindi umabot ng limang talampakan.
Habang pinagmamasdan niya ang lolo niya na tila payapa lang na natutulog sa loob ng kabaong ay hindi niya maiwasang isipin na marahil ay masaya na ito kung saan man ito ngayon naroroon dahil siguradong kasama na nito ang lola niya.
Hindi na nito kailangang mag-bike tuwing hapon papuntang sementeryo dahil ilang araw na lang ay ihahatid na nila ito sa huling hantungan at makakasama na nga nito ang lola niya doon.
“Balik tayo dito bukas, ha? Malulungkot ang lola mo. Siya lang mag-isa dito. Wala siyang kausap.” Naalala pa niyang minsan ay sabi ng lolo niya nang maabutan nila ito ni Yuri na mag-isang kinakausap ang puntod ng lola niya. Siguro ay panatag na ito ngayon dahil hindi na malulungkot ang lola niya kasi hindi na ito mag-iisa doon.
Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya. Paglingon niya ay nakita niya ang Tita Eloisa niya na nasa likod niya.
“Kumain ka na muna, Aliah. Ang sabi ni Yuri ay hindi ka pa raw kumakain simula nang dumating kayo.”
Bandang alas-tres ng hapon nang dumating sila ni Yuri sa Javier. Matapos ang tawag ni Tita Alison niya kanina ay muling nag ring ang celphone niya. Galing naman ang tawag sa Tita Vivien niya. Saglit lang silang nagkamustahan at pagkatapos ay inutusan niya ito na i-book sila ng flight ng hapon ding iyon papunta ng Javier.
Sinunod niya ang payo ng Tita Alison niya. Pumunta siya sa kusina at naabutan niya doon si Yuri na mag-isang kumakain.
“Halika na, sumabay ka sakin,” yaya nang binata. “Maupo ka at ako na ang magsasandok ng pagkain mo.”
Naging sunod-sunuran naman siya sa binata. Naupo siya tabi ng pinwestuhan nito kanina at hinayaang pagsilbihan siya ng binata.
“Here, masarap ‘tong sabaw ng manok kasi ako ang nagluto nito,” anang binata na pilit na pinapagaan ang pakiramdam niya.
Pinilit niyang sumubo ng pagkain kahit wala naman talaga siya sa mood na kumain. Ayaw niyang mag-alala ang mga tao sa paligid niya dahil lang sa kanya.
Nakakatatlong subo pa lang siya ay inilapag na niya ang kutsara’t tinidor niya sa tabi ng plato niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Yuri ang kamay niya na nasa ilalim ng dining table na gawa sa kahoy.
“Everything will be alright,” pag-a-assure ng binata sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
FantasyThis story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)