Kabanata 5

9.7K 239 16
                                    

Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Nakapag-adjust na si Aliah sa buhay probinsiya at kahit papaano ay nalilibang siya dahil sa dami ng mga pamangkin niya na pawang makukulit. Tuwing hapon ay nasa bahay ng lolo niya ang karamihan ng mga ito kaya kahit papaano ay nagiging maingay ang buong kabahayan kahit na nga ba hindi pa sila tuluyang nakakapag adjust dahil sa biglaang pagkawala ng lola niya.

At katulad ng mga nagdaang araw, maaga siyang nagising ng umagang iyon. Wala pang alas-sais ay gising na siya at nagkakape sa maliit na verandah ng bahay. Masarap pagmasdan ang mga pananim ng lolo’t lola niya na parang sumasayaw sa ihip ng pang-umagang hangin.

Paglingon niya sa kaliwang bahagi ng bahay ay nakita niya si Yuri na papalabas mula sa kubo na tinutulugan nito. Simpleng itim na sando at boxer shorts lang ang suot nito pero para sa kanya ay ang gwapo-gwapo nito. Para itong pinilas mula sa pahina ng isang fashion magazine at inilagay sa harap niya.

“Hi. Good morning,” bati nito sa kanya. Sinikap niyang huwag mapatunganga dito kahit ang totoo’y para siyang panggagapusan ng hininga lalo na ngayong nakalapit na ito ng husto sa kanya. Napansin niya ang papatubo nitong stubbles na sigurado siyang nakakakiliti kapag sumayad sa balat niya.

“Hi. You want coffee? Ipagtitimpla kita,” alok niya dito.

Umiling-iling ito. “Hindi ako nagkakape or kahit gatas. But thanks anyway.”

Katahimikan ang sumunod na namayani sa kanila. Iniwasan niyang mapadako ulit ang tingin dito dahil parang tangang nagwawala ang puso niya kapag mapapatingin siya dito. Itinuon na na lang niya ang pansin sa kanyang kape at sa nature na nasa harap niya.

Mayamaya’y narinig niyang tumikhim si Yuri. “Talaga bang decided na kayo sa gagawin niyo mamaya?”

Bigla siyang napatingin dito dahil sa tanong nito. “What do you mean?” clueless na tanong niya.

“Wala bang sinasabi sayo ang mga tita mo?” nakakunot-noong tanong ng binata sa kanya.

Saglit na nag-isip siya at inalala kung may napag-usapan ba sila ng mga tita niya na mangyayari ngayong araw. At wala talaga siyang maalala. “Wala silang sinasabi,” sabi na lang niya.

Bago pa man makapagsila ulit si Yuri ay nakarinig sila ng busina ng kotse mula sa may bandang kalsada. At nakita niyang bumaba sa itim na Toyota Revo ang tito Leo niya. Napansin niyang bukod sa sasakyan nito ay may isa pang puting Van na pumarada hindi kalayuan sa sasakyan nito.

Tumayo siya at ihinanda ang sarili sa pagharap sa tito niya. Nang tuluyan itong makalapit sa kanila ni Yuri ay doon niya lang napansin ang pangangalumata nito. Parang ilang araw na itong hindi nakakatulog ng maayos.

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon