Kabanata 6

9.2K 307 16
                                    

Isang linggo matapos ipa-autopsy ang bangkay ng lola ni Aliah ay ipinatawag naman siya ng lolo niya. It was one Saturday afternoon. Maaliwalas ang panahon at naghaharutan ang mga pamangkin niya sa bakuran ng bahay habang ang mga magulang ng mga ito ay umiinom ng tuba sa lilim ng punong langka.

Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa kubo kung saan seryosong nag-uusap si Yuri at ang lolo niya ay napansin na niya ang pagkakakunot ng noo ng binata. Pero kahit ganoong seryoso ang mukha nito ay hindi pa rin niya maiwasang humanga sa taglay nitong kakisigan. Habang tumatagal na magkasama sila sa lugar na iyon ay tila lalo lang lumalakas ang atraksiyong nararamdaman niya para dito.

Although walang sino man sa mga tita o kahit pinsan niya ang nakakaalam ng nararamdaman niya, pilit niya iyong sinasarili dahil alam naman niyang hindi maglalaon ay aalis siya sa lugar na iyon. At kasabay ng paglisan niya sa lugar na iyon ay sigurado siyang kasabay din noon ang pagkamatay ng atraksiyong nararamdaman niya para kay Yuri.

“Lolo, pinapatawag mo raw po ako?” bungad niya sa lolo niya nang tuluyan siyang makalapit sa mga ito.

Nasa duyan ang lolo niya samantalang si Yuri naman ay nakaupo sa isang pahabang upuan na yari sa puno ng narra kung saan pwedeng magkasya ang apat na tao. Siniguro niyang may sapat na espasyong naghihiwalay sa kanila ng binata. Mahirap na at baka magkadikit na naman ang mga balat nila. Sa tuwing kasi magdidikit kahit mga siko lang nila, pakiramdam niya ay para siyang nakukuryente.

May iniabot na isang puting sobre ang lolo niya. Nagtatakang binuksan niya ang sobre para lang muli iyong ibalik sa loob dahil nakita niyang isa pala iyong sulat.

“Gusto kong ibigay mo ang sulat na ‘yan sa lolo Leon mo. Puntahan mo siya sa Cebu at ikaw mismo ang magbasa ng sulat kong iyan para sa kanya.” Tumango siya sa sinabi nito. Wala namang kaso sa kanya kung pupunta siya ng Cebu. Lahat ay gagawin niya para sa lolo niya. “Sasamahan ka ni Yuri sa pagpunta mo sa Cebu.”

Doon siya hindi komporme. “Lo, kaya ko na hong bumiyahe na mag-isa. Ibigay niyo na lang po ang address ni Lolo Leon at ako na po ang bahala. Huwag na nating abalahin si Yuri,” sabi niya.

Matigas naman ang naging pag-iling ng lolo niya. “Hindi  naman nakakaabala sa iyo ang pakiusap kong ito, hindi ba, Yuri?” tanong ng lolo niya na agad namang sinagot ng binata sa pamamagitan ng marahang pag-iling.

“Kailanman ay hindi magiging abala para sa akin ang kahit na anong bagay na ipakiusap sa akin ni Lolo Felix.”

“At mainam rin na kasama mo itong si Yuri dahil alam niya ang bahay ng lolo Leon mo. Minsan ko na siyang naisama roon noong medyo malakas-lakas pa ang mga tuhod ko. At mapapanatag lang ang loob ko kapag kasama mo itong si Yuri. At least may magtatanggol sayo kung sakali man na may mangyari sa iyo sa daan. So sana ay huwag ka nang tumutol, apo,” pakikiusap ng lolo niya.

Tila wala na rin siyang magagawa dahil mukhang buo na ang desisyon ng lolo niya na pasamahin si Yuri kung kaya’y sa huli ay sumang-ayon na rin lang siya para hindi na lumawig pa ang usapsang iyon.

Papasok na sana ulit siya sa loob ng bahay nang tawagin ni Yuri ang pangalan niya. May kung ano sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya ang tila nagpapagaan sa pakiramdam niya. Para sa kanya ay isang uri ng musika ang paraan nito ng pagbigkas sa pangalan niya.

“Bakit?” tanong niya nang tuluyang makalapit sa kanya ang binata.

Bigla ay parang natameme naman ang binata sa harap niya. Bubuka ang bibig nito pero walang anumang salita na lumalabas mula doon kaya kusa rin iyong sumasara kapagkuwan. Mga tatlong beses yata iyong nangyari sa binata. Gusto niyang matawa sa hitsura nito.

“I have a plan…” sa halip ay sabi niya dito dahil parang hindi pa rin nito alam kung ano ang sasabihin. “Papalabasin natin na magkasama nga tayong pumunta ng Cebu. Pero ang totoo’y iiwanan kita sa Ormoc. Ako na lang mag-isa ang pupunta ng Cebu para hindi na kita maabala pa. Ibigay mo na lang ang address ni lolo Leon at—”

Hindi niya nagawang tapusin ang anumang sasabihin niya dahil sa isang kumpas lang kamay ni Yuri ay tumambad sa harapan niya ang isa pang sobre. Pero hindi iyon kasing lapad ng sobre na ibinigay sa kanya ng lolo niya kanina. Iniabot nito iyon sa kanya.

“Ticket nating dalawa ‘yan. Kailangan nating makarating ng Ormoc bukas bago mag ala-una ng tanghali dahil iyan na ang last trip ng SuperCat. Kung kaya mong magsinungaling sa lolo mo, ako hindi. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan kita hanggang sa bahay ni Lolo Leon. Huwag kang mag-alala at ni hindi mo mapapansin na kasama mo ako sa biyahe. Kaya sana ay pagtiisan mo na lang ang presensiya ko.”

Iyon lang at naglakad na ito palayo sa kanya nang hindi man siya hinahayaang makapagsalita.

Ang dating sa kanya ng sinabi nito ay ayaw niya itong makasama. Maaaring iniisip nitong naaalibadbaran siya sa mga pinagsasasabi nito. But that’s not true! Ni hindi iyon nangalahati sa totoong rason kung bakit hangga’t maaari ay ayaw niya itong makasamang pumunta sa Cebu.

If truth be told, isa lang ang rason kung bakit hangga’t maaari ay gusto niyang idistansiya ang sarili mula sa binata: She’s afraid to fall in love with him. Wala siyang karanasan pagdating sa bagay na ‘yun.

Natatakot siyang kapag nahulog siya ay hindi na niya magawang umahon. At hindi iyon imposible. Dahil taglay ni Yuri ang mga katangiang kadalasang rason kung bakit nababaliw sa pag-ibig ang mga babae.

Bitbit ang dalawang sobre ay tumuloy siya sa kwartong inookopa niya. Inihanda niya ang mga gamit na dadalhin niya para bukas. Pinilit niyang ituon sa ibang bagay ang utak niya pero hindi rin niya tuluyang maiwaglit sa isipan niya si Yuri dahil kahit anong gawin niya ay para itong multo na bigla na lang gumigitaw sa balintataw niya.

Bandang alas-sais ng gabi ay nagkita ulit sila ni Yuri sa hapag-kainan. This time ay parang domoble ang kabog ng dibdib niya nang hindi sinasadyang nagtama ang mga mata nila…

(Please VOTE niyo po per chapter kung nagustuhan niyo. Thank you! ^_^ )

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon