Hindi pa man nakakalayo si Aliah mula sa kubong pinagkakanlungan nila ni Yuri ay naramdaman na niya ang pag-ihip ng malakas na hangin. Mukhang may paparating na bagyo. Ang marahang patak ng ambon ay tuluyang naging ulan.
Nagpasya siyang bumalik na lang sa kubo dahil nagsisimula na ring dumilim ang kapaligiran. Lord, ilayo mo po kami sa kapahamakan. Tahimik na usal niya.
Nadatnan niya si Yuri na nakabaluktot sa hinihigian nila. Parang nadudurog ang puso niya habang tinitignan niya ang hitsura ng binata. Walang ibang dapat na sisisihin sa bagay na iyon kundi siya.
“Hey, anong nararamdaman mo?” tanong niya sa binata habang umuusog palapit dito.
Bahagya lang itong umungol bilang sagot sa tanong niya. At halos mapaso siya nang salatin niya ang noon g binata. Inaapay ito ng lagnat. At nang suriin niya ang mga gasgas nito sa kamay ay nakita niyang pati iyon ay namamaga na rin at nagsisimula nang magkulay ube.
“Giniginaw ako,” mayamaya ay narinig niyang sabi ni Yuri. Nararamdaman niyang lalong lumalakas ang ihip ng hangin dahil bahagyang gumagalaw ang maliit na kubo nila.
Nahiga siya sa tabi ng binata at iniyakap ang mga braso sa katawan ni Yuri. Sa ganoong paraan man lang ay makaamot ito ng init mula sa kanya.
“Huwag kang susuko. Malalagpasan rin natin ‘to,” sabi niya kay Yuri habang marahang hinihimas ang likod ng binata. Lalo naman itong nagsumiksik sa kanya. Nalalanghap na niya ang hininga nito sa dibdib niya.
Hindi na niya napigilan ang maluha nang makita ang pain na nasa mukha ng binata. “I’m so sorry, Yuri. I’m so sorry.”
At sa muling paghaplos ng palad niya sa balat ni Yuri ay naramdaman niyang tila may kung anong kuryente na dumaloy sa kamay niya papunta sa binata. At ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang makita niyang nagliliwanag ang mga palad niya.
Hindi na niya napigilang umupo at namamanghang pinagmasdan ang mga kamay niya na ngayon ay parang mayroong sariling buhay. Nang ilapat niyang muli ang mga kamay sa mga sugat ni Yuri ay nakita niyang unti-unting naghilom ang sagot ng binata.
Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya habang patuloy na nagliliwanag ang mga palad niya. At bago pa man tuluyang mawala ang liwanag sa mga palad niya ay idinampi niya iyon sa paa ng binata na kanina ay iniinda nito.
At matapos lang ang mahigit isang minuto ay bumalik sa normal ang lahat. Naging pantay ang paghinga niya at nawala ang liwanag sa mga palad niya. Naramdaman niyang unti-unting kumilos sa tabi niya si Yuri. Nanghihina pa rin ito pero nagawa na nitong makaupo.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
FantasyThis story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)