Maagang nagising si Aliah kinabukasan. Pero mas maaga pa palang nagising si Yuri sa kanya dahil nakita niya itong nakatayo di kalayuan sa kubo nila. Nang ganap na siyang makatayo, doon niya lang napagtantong siya pala ang pinakahuling nagising. Wala na rin kasi sa kinahihigaan ng mga ito sina MJ at ang dalagang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan.
Lumapit siya kay Yuri. “Good morning,” bati niya dito.
Paglingon ng binata ay nakita niya ang kaseryosohan sa mukha nito. Kahit siguro sinong magaling na pintor ay mahihirapan itong i-drawing dahil sa pagkakakunot ng noo nito.
“Are you okay?” tanong niya sa binata. “Nasaan na nga pala sila?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang dalawa pa nilang kasama.
“Wala na si Frances, yung babaeng tinulungan natin kahapon. While we were sleeping, she had a miscarriage at maraming dugo ang nawala sa kanya. Pagkagising ko kanina ay isa na siyang malamig na bangkay.”
Napatutop siya sa bibig dahil sa sinapit ng dalaga.
“Inilibing na namin siya kanina. Hindi ka na namin hinintay magising dahil baka hindi mo ring masikmura ang hitsura niya.”
For a moment ay nanatili siyang tahimik. Bigla ay nakaramdam siya ng takot. Kung nangyari ang bagay na iyon kay Frances, hindi imposibleng maulit ang bagay na iyon sa isa sa kanilang tatlo. Maaaring bukas o sa susunod pa na bukas ay may malagas ulit sa kanila.
Napansin marahil ni Yuri ang takot niya kaya naramdaman na lang niyang kinabig siya nito palapit dito at saka marahang niyakap.
“Huwag kang matakot. Hangga’t nandito ako, walang mangyayaring masama sayo,” pag a-assure ng binata sa kanya. At hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang tiwala niya ditong hindi nga siya nito papabayaan.
“Halika at maghanap tayo ng pwede nating kainin. Baka mamaya pa yun bumalik si MJ. Nagpaalam siya na gagalugarin niya ang iba pang sulok ng isla at baka may iba pang mga pasahero na napadpad sa islang ito.”
At bagama’t bahagya pang nanlalambot ang mga tuhod niya dahil sa natuklasan niyang pagkasawi ni Frances, wala siyang nagawa kundi ang magpatianod kay Yuri.
Pumasok sila sa masukal na kadamuhan at naglakad nang naglakad hanggang sa marating nila ang tila patag kung saan maraming puno ng prutas ang naroroon. Samu’t saring prutas ang nakikita niya na isa isa niyang nilapitan at pumitas ng iilang piraso.
Nang makita ni Yuri na nahihirapan na siyang bitbitin ang mga napitas niyang prutas ay lumapit ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]
خيال (فانتازيا)This story is now published under VIVA Psicom Publishing Inc. Now available in all leading bookstores nationwide for only 175 pesos. Hope you guys could grab a copy. Thank you. :)