Kabanata 4

11.1K 382 54
                                    

 

“Apprentice ba talaga ni lolo, ‘yan?” nakangusong tanong ni Aliah sa pinsan niyang si Maleah na halos kaedaran lang din niya.

Kasalukuyan silang nasa sala ng bahay ng lolo’t lola nila. Halos kakatapos lang ng libing. May mga naiwan pang bisita at ilang malalayong kamag-anak na nag-iinuman sa likod-bahay.

Kanina pa niya pinagmamasdan si Yuri. Nahihiwagaan siya sa pagkatao nito. Parang may kung ano dito na nagiging dahilan para magmukha itong misteryoso. Kanina sa sementeryo ay hindi ito humiwalay sa lolo niya. Habang nag-iiyakan silang lahat, nandoon lang ito sa tabi ng lolo niya.

“Sino? Si Yuri? Iyon ba ang sabi niya sayo?”

Napatingin siya sa pansin niya. “Oo. Iyon ang sabi niya kagabi. Na apprentice daw siya ni lolo. Bakit hindi ba?” nalilitong tanong niya.

“Well, ang alam ko ay nagpapatulong talaga siya kay lolo upang maging isang mahusay na karpintero. Ewan ko ba sa isang ‘yan. Sa dinami-rami ng trabaho sa mundo, pagkakarpintero pa ang napag-tripan,” nakabungisngis na sagot ni Maleah.

Pero kung siya ang tatanungin, wala namang masama sa pagiging karpintero. Iyon ang trabaho ng lolo nila at doon nito binuhay ang mga anak nito. Siguro nga ay walang ka-class class ang pagiging karpintero pero marangal iyon na trabaho. And she’s proud that she has a grandfather who is a carpenter.

“Saan daw nakilala ni lolo ‘yan?” tanong na lang ulit niya. Hindi siya komportable na banggitin ang pangalan ng binata kaya palaging ‘yan’ ang ginagamit niyang pantawag dito. Masyado kasing powerful para sa kanya ang pangalang Yuri. Very commanding, ika nga.

“Ang sabi ni lolo, apo daw ng bestfriend niya noong kabataan niya iyang si Yuri. At sa pagkakaalam ko ay ulilang lubos na rin siya,” sagot naman ni Maleah. “Teka nga, bakit ba ako ang ini-interview mo? Bakit hindi mismo si Yuri ang tanungin mo? Saka teka nga, crush mo ba siya kaya ka tanong nang tanong?” may himig ng panunukso sa boses ni Maleah.

“Hindi noh! Naku-curious lang ako sa kanya. Maiwan na nga muna kita at kakausapin ko pa sina tita Eloisa.”

Pumunta siya sa likod-bahay kung saan naroon ang mga tito at tita niya. Nagsiuwian na ang mga nakiramay at tanging mga kapamilya na lang ang nandoroon at parang nagko-komperensiya.

Tahimik na naupo siya sa tabi ng tita Eloisa niya at pinakinggan ang sinasabi ng tito Leo niya. Ito ang panganay sa magkakapatid. “Alam ko, lahat tayo nasa state-of-shock pa rin dahil sa biglaang pagkawala ni mama. She is just sixty-five at malakas pa naman. Alam ko, nag-iisip rin kayo na baka nga may sumalbahe sa kanya dahil na rin sa sugat na nakita sa braso niya. Saan ba kasi nanggaling ang sugat na iyon? Sa kawayan? Wala namang kawayan sa loob ng balon na ginawa ni papa.”

Dream Catcher [ROMANCE/FANTASY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon