Chapter 7
Nagluluto nga ngayon si Kenneth ng pagkain namin. Malaki ang bahay nila pero syempre mas malaki yung amin. Marami din paintings dito. Sa sobrang bored ko naisip ko na lang tawagan si Annie.
Annie dialing...
[Hello ?]
[Annie! Gomene hindi ako nakapunta sa photoshoot kahapon. Hountoni gomenasai!]
[Hahaha! Daijoubu! Kaya ka pa naman ihabol eh tsaka puro palpak din kasi yung shot namin dahil kay Chieri eh]
[Huh?! Anung ginawa nanaman ni Chieri?]
[Eh andito kasi si King yung Cosplay Prince ng Taiwan. Ayun! Andun nakadikit si Chieri. Hinahanap ka nga eh gusto ka daw ma-meet]
[Ay ganun ba? Sorry, kelan ba next shoot? Para ma-meet ko din siya]
[Bukas 8:00 a.m dun pa din sa studio. Nako Shina bakit ba hindi ka pumunta? Maraming naghanap sayo!]
[Uhm.. ano kasi.. May emergency lang]
"Hey retard! Food is ready. Stupid kiddy!"
[Hoy Shina!! Sino kasama mo ha?! Where are you?!] Nako patay narinig niya si Ken Bwiset!
[Uhm.. Wala nasa labas kasi ako eh may nag-aaway lang hehe.. Uhm bye !] Sabay baba ko nang phone.
Nagpunta na ako sa kusina nila Kenneth. Wow ang dami niyang niluto ah. Tataba yata ako sa dami eh.
"Bakit ang dami mong niluto?" Takang pagtatanong ko sa kanya.
"And so?! Kumain ka kaya mukha ka na kasing stick sa sobrang payat. Stupid retarded anime lover!" Bwiset to ang aga aga pinapainit nanaman yung ulo ko. Nakakainis urgh!!
"By the way just call me Ken stupid retard. I don't want you to call me Kenneth anymore. It's f*ckin' creeping me out" Woah! Oo nga pala no kasi mga kaibigan niya Ken lang tawag sa kanya eh. Hmm, okay.
***
"Kyaaaah!!! Shina ang pogi ni King! Tara pumasok na tayo dun ikaw na lang hinihintay lahat na sila andun."
Mwahaha feeling ko VIP ako.. Ako na lang pala ang hinihintay. Ay oo nga pala papunta kasi ako sa international interview for Cosplay Mania. Pagpasok ko halos lahat ng mata sa akin.. Andito lahat ng Cosplay Queen, King, Princesses, Prince at Knight ng iba't ibang bansa. Ako ang representative ng Philippines kasi wala si Ms. Alodia..
"Oh the Cosplay Princess is here!" Sabi nung interviewer. Lahat naman sila nagbow sakin. Ganun kasi yun bilang respect lalo na ako pa ang representative at dito pa sa bansa namin ginawa yung interview.
Nagstart na nga ang interview. Napalingon ako kay Chieri. Ayun nakikipagngitian kay King. Inferness ang popogi ng mga Cosplay Prince. Lalong lalo na yung mga Kings! Magaganda din naman lahat ng andito..
Napatingin ako sa Cosplay King ng Germany. Nakatingin sakin at kinindatan ako. Woah! Nagtatayuan yata mga balahibo ko. At syempre Ang pogi ni Kaname !! The one and only Cosplay King ng Japan! *u*
"Shina ang daya mo!! Palit na lang tayo ng character huhu" Paghihimutok ni Chieri.
"Ano ka ba gusto ko talagang makipagpalit sayo dahil si Kaname gusto kong kapartner." Paghihimutok ko din.
"Hay nako natatawa ako sainyong dalawa! Wala na kayong magagawa decision yan ng head cosplay organizer" Sabi ni Annie na natatawa.
Nagtataka siguro kayo kung bakit kami naghihimutok ni Chieri noh? Eh kasi nagkapalit kami ng partner. Ang theme kasi ng cosplay namin ngayon year ay Shigenki no Kyojin. Ako ang gaganap na Mikasa at si King ang gaganap na Eren. Si Kaname ang gaganap na Levi at si Chieri naman si Petra! Oh diba? Nagpalit kami. Huhuhuh! Matagal ko nang hinihiling na maging kapartner si Kaname! Why oh why?? TT^TT

BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]
Teen FictionMr. Delinquent gangster meets Ms. Famous Cosplayer Shina Pearl Dela Cruz is a super famous cosplayer while Kenneth Aaron Ferrer is a delinquent gangster. Have Shina want to take a risks to fall inlove with an oh-so-hot delinquent gangster? (c) Shina...