Chapter 15

1K 28 2
                                    

Chapter 15

Annie Mackenzie Point of View

 Pagkatapos nga ng operation ay agad naman kami pumasok sa room ni Shina.

 Nanunuod naman kami ngayon ng balita. Oo kalat na sa lahat ang balita tungkol kay Shina. Ang hirap maging sikat grabe! Walang privacy eh!

~Breaking news~

Host: Nasa Aerilaind hospital nga ngayon ang sikat na sikat na cosplayer na si Shina Pearl Dela Cruz. Siya din ay isang batikan na singer. Labis ngang nagdrusa ang fans niya sa nangyari. Ano kaya ang sanhi kung bakit siya nabaril?

*Off T.V*

"Hey! Bakit mo pinatay?" Tanong ni Chieri.

"Mga walang kwenta! Kita na nga nilang critical yung kondisyon ng tao hindi pa din nila binibigyan ng privacy!" Pagmamaktol ko.

"Ang hirap talagang maging sikat noh?" Singit ni Harold.

"Sobra" sabay na sabi namin ni Chieri.

 Napalingon naman agad ako kay Kenneth na nakaupo sa gilid ng kama ni Shina. Nakakaawa ang itsura ni Shina. Si Kia nakatulog na sa kabilang sofa. Si Chieri, Harold, James at ako naman ay nakaupo sa isa pang sofa.

 Nakahawak si Kenneth sa isang kamay ni Shina. Ang itsura ni Kenneth ay wasted. Mukhang sinisisi pa din niya ang sarili niya kung bakit na-coma si Shina.

"Wake-up Pearl" Nakita ko naman na tumingala siya. Napansin ko din na parang nangingilid ang mga luha niya.

"Pearl?!" Hindi ko alam talaga kung bakit ganyan ako makapag-react. Isa lang kasi ang tumatawag sakanya niyan eh!

"A-Ano, Shina yun! Mali ka lang ng rinig" Nagulat naman ako ng biglang mag-salita si Harold.

"Oo! Mali ka lang talaga ng rinig" Sabat naman ni James.

 Alam niyo yung naguguluhan? Para kasing may iba akong nararamdaman kay Kenneth eh. About naman dun sa Pearl thingy na yun? Well, ayaw talaga ni Shina na tawagin siyang Pearl eh. Si Kenchie lang ang tumatawag ng ganyan kay Shina.

"Annie, nagtext sa akin si Shiro. Nakapagbook na siya at bukas ng umaga andito na daw agad siya" Sabi ni Chieri.

 Napalingon ako kela Kenneth, James at Harold na hindi makapaniwala ang mukha. Nakakahalata na ako sa kanilang tatlo. Bakit kada binabanggit si Shiro eh yung reaction nila hindi maipinta?

 Na-on nanaman ang curiousity ko. Dapat kong alamin kung ano bang meron yan si Kenneth. Iba kasi pakiramdam ko. Parang ang tagal ko na siyang kilala.


***

"Annie, gusto kong sumama sayo sa hospital" Pangungulit ni ate Anniela.

"Ate! Alam mo naman diba?" makahulugang sabi ko.

"Annie I know! Wala akong paki kung may galit pa din siya sakin. I'm still worried. Kaibigan ko pa din siya kahit papaano" pag-eexplain niya sakin.

"Whatever you say ate" sabay talikod ko.

 Hinigit naman niya yung braso ko at hinarap niya ako sa kanya.

"Look, uuwi ba ako galing Korea kanina nang dahil sa wala lang? I'm here just because I want to see her. I'am worried sick you know!"

 Oo kakauwi niya lang galing Korea kanina. Nabalitaan niya daw kasi yung nangyari kay Shina kaya naman agad siyang umuwi.

Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon