Chapter 35

755 23 6
                                    

Chapter 35

Annie Mackenzie Point of View

Pauwi na sana ako galing school pero bakit parang may sumusunod sakin? Lakad lang Annie.. Lumakad ako ng lumakad at palingon lingon sa likuran ko. Tss! Ang hirap naman nito.. Lagi nalang kaming may stalker.

Nakarinig ako ng kaluskos kaya agad akong napatingin sa likuran. Ano ba yun? I mean.. Sino yun? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayan na napklabilis ko na pala maglakad.

"Hmmmmmmppp!!" Nagulat ako ng biglang may tumakip sa bibig ko.

"Ssshhh!! Relax Annie.. I'm not going to bite you" At tinago niya ako sa dilim tapos pinakawalan ako..

"Anong ginagawa mo dito? Duhh, you think maiisip ko pang magrelax kung bigla mo nalang akong sinundan at takpan ang bibig ko?"

"Look. I'm sorry okay? Mayroon tayong dapat pagusapan"

"At ano naman yang dapat pagusapan na yan James? Bakit kinakailangan dito pa tayo?" Kailangan tago talaga?

"Annie, wala dapat makarinig nito.. Your ex and his mafia are back" Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.. Si Karl Grumble? Take note..Hindi ito si Karl na kabandmate ni kuya Shiro ah.. Ibang Karl ito.. My womanizer ex.

"Wala na akong pakielam sakanya" Walang emosyon kong sabi..

"Pwes ako meron!" Huh?

"Kung si Karl lang ang paguusapan natin dito please... Stop it" Akmang lalakad ako kaso bigla niyang hinigit yung braso ko pabalik.

"Nandito sila dahil balak kang balikan ni Karl.. Mapanganib siyang tao kaya poprotektahan kita even if it kills me" sincere na sambit niya..

"Hindi kita maintindihan.. Bakit mo ko poprotektahan? I can handle myself alone"

"Ganyan ka ba talaga kamanhid Annie? Pero kahit manhid ka..." Nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko "....Still.. I'm not going to give up on you. So get rid of your cosplayer" Tila ba nagtayuan ang mga balahibo ko atska siya umalis.. Huh? Hindi kita maintindihan sa inaarte mo James Tan!

***

Shina Pearl Dela Cruz Point Of View 

Kailangan kong makausap ang mga parents ko... Pero paano? Nasa America sila at hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ayoko silang kausapin sa phone lang. Gusto ko harap harapan kami.. Bakit ba kasi ang dami dami ko nanamang problema? Kami ni Ken pa hindi pa kami masyadong magkaayos nun eh.

Lumalim na ang pagiisip ko at hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Kakalabas ko lang ng studio dahil sa photoshoot ko. Nang makapunta ako dito sa parking lot ay biglang may mga lalaking nangharang sakin. Parang nangyari nanaman ito sakin. De javu.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ko. Pinanatili kong kalmado ang sarili ko.

"Asan si Kenneth?" Bungad ng isang matangkad na lalaki. May itsura siya at maputi.

"Anong kailangan niyo sakanya?"

"Huwag ka nang magtanong. Ngayon, asan ang boyfriend mo?" Tanong niya ulit ngunit feeling ko parang may pagbabanta na sa bosses niya kapag hindi pa ako sumagot.

"Hindi ko alam. Umalis na kayo sa dinadaanan ko" Dumaan ako sa kabilang direksyon pero hinigit niya yung braso ko. 

Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon