Chapter 42

592 18 3
                                    

Chapter 42

Shina Pearl Dela Cruz Point of View

Nababaliw na ako sa pangyayari. Gusto ko na magpadala sa mental hospital. Baka naman may mga hindi pa ako nalalaman ha? Jusko. Ang masasabi ko lang sa sarili ko ay I want to kill myself.. Una, nalaman kong kasapi si Kenneth sa isang mafia. Pangalawa, nakita ko si Kia na halos makipagpatayan na sa dalawang babae. Ano? May pangatlo, pangapat at panglima pa ba? Nababaliw na ako kakaisip kung ano ang gagawin ko.

Matagal tagal ko na din pala na hindi nakakasama yung dalawa kong baliw na kaibigan. Ano na kaya nangyari sa mga yun? May usapan kami ngayon na magkita kita sa bahay nila Annie. Heto nga ako ngayon at nagpahatid sa bahay nila.. Marami akong ikukwento at sasabihin sakanila. 

Pagkadating na pagkadating ko dito ay nagdoorbell agad ako sa bahay nila Annie.

"Ay hija.. Kanina ka pa nila hinihintay sa loob" bungad samin ng maid ni Annie. Weh? Kanina pa sila nandito? Agad akong pumasok sa loob at di kalayuan ay nakita ko din sila.

"Buhay ka pa pala? I thought you're dead" sarkastikong bungad ni Chieri. Inirapan ko lang siya at umupo sa katabi nilang upuan.

"Ang tagal mong nawala ha? Where have you been? I mean. Ghad! Halos wala na kaming balita sayo" sambit naman ni Annie. 

"Marami lang akong inasikaso" sagot ko naman sakanila.

"Is it really important?" tanong ni Chieri. I shrugged. Hay..

"Anyway, I have something to tell you guys.. Baka kasi kapag hindi ko naexpress ito ay magulat nalang kayo nababaliw na ako o wala na ako sa tamang katinuan" Lumapit naman sila sakin. As in malapit na malapit. Hay ewan

So ayun. Kinwento ko ang mga nangyari sakin this past few weeks.. Sinimulan ko sa nakidnap ako tapos dinala ako sa cruise ship.. Yung nalaman kong isa palang mafia heir si Kenneth.. Yung pagbebreak-up namin nung lalaking iyon.. Yung narinig kong paguusap nung pesteng Kim na iyon kay Kenneth.. Pati yung sa nakita ko kay Kia. Halata naman na sobrang gulat na gulat ang mukha nila.. Halos lumuwa na sa sobrang laki ang mga mata nila eh. Ako nga hindi makapaniwala na nakasurvive ako sa ganitong sitwasyon eh.

"Action star lang ang buhay mo? Gosh!" Chieri.

"Si Kia? Parang ang bait bait na bata nun ah. Hindi kaya kasama siya sa sinasabi mong mafia?" sabi ni Annie.

"Hindi ko alam Annie. I really really don't know. Wala na ako dun. Atska ano pa bang pakielam ko.. Eh wala na kami ni Kenneth" Urgh sh*t! I hate this feeling. Yung parang sinasaksak ka ng paulit-ulit.. 

Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon