Chapter 37

690 21 3
                                    

Chapter 37

Harold Pollen Point of View

Tila nagkakasiyahan dito sa cruise ship.. Mga nakasuot ng mga magagarbong damit at mga businessman ang sa tingin ko ay mga dumalo..

"Asan na daw ang mga Sakarazaki?" tanong ko kay James na nasa tabi ko. Nakasuot nga pala kami ngayon ng maskara.. Masquerade ang tema ng kasiyahan na ito ngayong gabi.

"Nasa paligid lang sila.. Nagmamansid ang mga reapers habang nakatutok lang sa itaas ang mga sniper" Unti-unti akong napatingin sa taas. Kung titignan mo ay akala mo mga kung ano lang ang nakadikit pero baril na pala yun.

"Asan si pinuno?" muli ko ulit na tanong.

"Kasama niya ang ibang mga sakurazaki at makikipagtransaction sila isa sa silid dito mamaya" Ayos.. Organized na pala lahat.

"Yung mga Black Death?" muli ko ulit na tanong.

"Nageencode ng mga security code sa itaas atska binabantayan ang cctv.. Yung iba dinedeactivate ang mga bomba na nakatanim dito" Pageexplain ni James.. Muli kong pinagmasdan ang paligid.. Mga nakamaskara lahat. Alam kong isa sa mga ito ay taga kabila.. Ang Flynn.

Marami-raming tao ngayon kaya sigurado akong madami ang mapapahamak sa mangyayari mamaya.

"Dude, pinapatawag tayo ni pinuno" Lumapit si David samin.. Nakamaskara din siya..

"Nasan ba si pinuno?" tanong ni James.

"Sa 2nd floor nitong cruise ship.. Pang apat na pinto sa kaliwa" Agad namin iyon tinungo.. Maingat ang mga galaw namin dahil alam kong marami ang nakamansid dito.. Pumasok kami sa nasabing pinto ni David at nakita namin doon si pinuno na kausap si Kim.

"Where are they?" tanong niya kay Kim.

"I don't know . Hindi pa ako binibigyan ng signal ng mga sakurazaki" sagot naman ni Kim. Si Kim.. Akala niyo simple lang siya pero mapanganib din siya kung kakalabanin mo..

"Where are the reapers? You should guard down now Kim.. Any minute from now the transaction will start"

"Ken..  Alam ko ang gagawin ko. No need to teach me"

"Uhh pinuno pinapatawag mo daw kami?" Pagbaasag ko ng usapan nila.. Wala na kaming natitirang oras.. Napalingon namin sila sakin at nakita kong biglang umalis si Kim..

"Any sign of Flynn's?" tanong niya samin..

"Wala pa akong nakikita sa ngayon pinuno.. Pero magmamansid muna kami ni James" May ibinigay samin si pinuno na Blue rose na maliit.

"This Blue rose here is the sign of Flynn's.. Nakalagay sa bulsa sa gilid nila ito. Nakatali naman ito sa buhok ng mga babae.. Be careful on your moves.. Now you may go" sambit ni Ken. So.. Ito pala ang sign sa Flynn? Ang mga Sakurazaki kasi ay itim na maskara ang palatandaan.. Ang mga Black Death naman ay silver na maskara..

Agad namin tinungo ang nagaganap na kasiyahan sa baba.. Nakakita agad ako ng isang miyembro ng Flynn.. Kapaan lang kasi yan eh.. Kami nahanap na namin ang palatandaan nila.. Ang Flynn kaya nahanap na ang palatandaan ng mga Sakurazaki? Alam din kaya nila na pati ang Black Death kasama?

"Maraming nakakalat na Flynn.. Pero wala akong makitang mga Sakurazaki" bulong sakin ni James.. Luminga linga ako sa paligid. Sh*t! Andaming Flynn.. Mapababae at mapalalaki..

"Tawagan natin si pinuno" suhesyon ko. Kailangan niya malaman ito.

Agad kong tinawagan si pinuno at mahinang bumulong bulong sa telepono.

"Pinuno.. Maraming Flynn dito sa baba" sambit ko sa mahinang bosses

[I know.. Kim's team are watching them] Mabuti kung ganun..

Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon