Chapter 8

1.1K 47 2
                                    

Chapter 8 

Harold Pollen Point of View

Dumating na pala si Kenneth eh! Sigurado akong magsisimula na kami sa gulong mangyayari mamaya. May gustong sumakop sa isang teritoryo namin eh. Reresbakan na namin.

"Oh Bro andito ka na pala! Naka-motor ka lang pala. Bakit di mo dala kotse mo?" Tanong ni James.

"Are you insane?! Why the heck would I do that?!" Maangas na sabi ni Kenneth.

"James wag ka nang magtaka alam mo naman na mahal na mahal niya yung kotse niya eh!" At nagtawanan naman ang buong gang sa sinabi ko.

"Ken! Sa Rooseville Street daw magkita" Josh

"Salamat! Matagal tagal na din akong gustong sumapak" David

"Mananalo ba yan satin? Baka supot din yan tulad nung Pure revenge gang mga bading!" Bram

"Kaya ba nila ang black belter na tulad ko? Huh!" Luke

At pagkatapos nang mahaba naming diskusyon sa loob ay sumakay na kami sa kanya-kanya naming motor. Bakbakan nanaman at sigurado akong masisiyahan ako dito. Pagkadating namin dito sa Rooseville Street sakto andito na sila. Aba! Bente rin sila huh.

"Kayo ba ang Black Death? Kung ako kasi sa inyo ibigay niyo na tong teritoryo na to samin bago pa kayo paglamayan" At tumambad naman samin ang matigas na mukha ni Bruise, ang leader ng Curse out gang.

"G*go pala to eh! Hahaha, kung ako sayo umuwi ka na lang ng bahay ninyo at magsumbong sa nanay mo" Sabay taas ng middle finger si Bram.

"What do you want?" Kalmadong tanong ni James.

"This territory" Sagot nung ikalawang leader nila.

"Wrong answer" At napatingin naman kami kay Kenneth. Nakasandal lang to sa motor niya. Mukhang pa-easy easy lang siya eh.

"So ikaw pala yung leader nila? Gusto mo bang humanap ng sakit ng katawan? Hahaha! Wala kang binatbat dude. Kung ako sayo ibigay niyo na samin to" Sabi nung leader nilang si Bruise.

"Let the battle beggin" Sabi ni Kenneth at nagsimula na nga ang bakbakan namin. Si Bruise at Kenneth hindi pa muna gumagalaw.

Sinapak ko yung pangalawang leader nila. Aba, may experience ang isang to. Nagpapalitan kami ng suntok hanggang sa nakahanap ako ng tyempo at nasikmuraan ko siya. Namilipit ito sa sakit at agad kong hinampas ng bote sa ulo. Ayun tulog! Nakita ko naman na bagsak na ang kalahati ng Curse out gang.

Unang lumapit si Bruise kay Ken at akmang susuntok pero nakailag si Ken. Magaling si Ken dahil naiilagan niya ang mga suntok ni Bruise. Ang sunod na ginawa ni Ken ay sinipa sa tyan at namilipit si Bruise. Sinapak niya ito nang sinapak at napabagsak na lang sa sahig ngunit hindi naman ito nawalan ng malay.

"Paano ba yan Bruise halos pilay pilay na ang buong gang mo" Mayabang na pagkasabi ni James. Aba wala tong galos. Pati din naman ako eh!

"Si Shina ang girlfriend mo Ken diba? Tch! Mag-ingat na lang siya sa susunod kong gagawin" Saad ni Bruise habang nasa lapag pa din siya. Nilapitan naman ito ni Ken.

"Subukan mo siyang galawin at hindi lang yan ang makukuha mo sakin. Sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso" Sabay sinipa ni Ken si Bruise sa mukha ng malakas at nawalan ito ng malay. Nakakatakot si Ken basta talaga kay Shina.

Pagkatapos nang walang kwentang bakbakan na to ay nagpunta kami sa bar na madalas namin pagtambayan. Gusto ng buong Black Death magcelebrate at mangchichiks daw muna. Mga loko talaga. Nagsipasukan na sila sa loob at nagpaiwan muna si Ken at James dito sa labas. Syempre dahil curious ako nagpaiwan na din muna ako at sumalo sa pagyoyosi nung dalawa.

"Yow dude! Paano kung galawin nila si Shina?" Tanong ko kay Ken.

"I won't let that happen" Sabay hithit ng yosi ang loko.

"Bro! Napapansin ko yata madalas kayong magkasama ah. Kayo na ba?" Palokong tanong ni James.

"Soon" Maiksing sagot ni Ken.

"Bro! Sigurado akong magagalit si Shiro pag-nalaman niya to" Saad ni James.

"Oo nga dude! Malaking gulo nanaman to ah! Just like the old days!"

"I don't care. I just want to get what's mine back" Si Ken talaga! Masasabi kong malaki ang sakripisyo niya kay Shina. Nagring nga ang cellphone ni Ken at agad itong sinagot. Paniguradong si Shina yan. Nakinig naman ako kay Ken habang may kausap siya sa phone!

"Are you insane stupid kiddy retard?!"

"F*ck are you blaming me Kiddo?!"

"Stupid anime lover"

Sabi na nga ba si Shina yan eh. Basta mga ganyan si Shina yan. Kay Shina lang naman siya ganyan eh. Kahit kelan hindi pa nag-gf yan si Ken. Akala ko nga bading ang lokong to eh. Pero alam ko naman kung ano ang dahilan eh. Sana ang matagal niya nang hinintay at pinagsakripisyuhan ay matagumpay niyang makuha.

_____________________________________________________________________

Thank you for reading Chapter 8!

(c) Shinachii

Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon