Chapter 32

773 22 7
                                    

Chapter 32

Kim Santilla Point of View

Maagang-maaga ay pumunta na agad ako sa bahay nila Ken. Pagkatapos ng mga masasakit na sinabi niya sakin kagabi ay hindi pa din ako susuko sakanya. Naniniwala kasi ako na mamahalin niya din ako. Wala na siyang magagawa kung ikakasal na kami sa isa't-isa.. 

"Goodmorning hija. Napa-aga ka yata" bati ni tita.

"Ah.. Gusto ko lang po makita si Ken" sagot ko naman.

"Nako! Tulog na tulog sa taas. Akyatin mo muna at pakigising na din" utos ng kanyang ina. Tumango ako at agad na tinungo ang kwarto niya.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko siyang mahimbing ang tulog.. Napaka-gwapo niya pala kapag tulog noh? Messy hair, tapos parang ang amo pa ng mukha niya. Lumapit ako at hinawakan ko ang buhok niya. Ang peaceful niya matulog.

Bzzzt Bzzzt

Unregistered Number Calling...

Sino ba ito? Mukhang hindi yata masasagot ni Ken yung phone kaya ako nalang ang sumagot.

"Hello?"

[S-Sino ka?!] Ako nga dapat magtanong sakanya niyan eh! Sino ba siya?!

"Eh ikaw? Sino ka ba?" Pagbabalik ko ng tanong sakanya.

[Sagutin mo nalang yung tanong ko! Sino ka at nasan si Ken?!] Nagtaas na yung bosses nung nasa kabilang linya. Aba! At talagang atribidia siya ha?!

"I'm his fiance. Si Ken? He's sleeping beside me" Biglang binaba yung phone. Bastusan?

Nakita kong biglang gumalaw galaw si Ken kaya agad kong inilapag yung phone niya. Unti-unti niyang binuksan yung mga mata niya at agad naman akong napangiti.

"What are you doing here?" tanong niya.

"Pinapagising ka kasi sakin ng mommy mo" sagot ko naman.

"Get out" malumanay niyang sabi.. Siguro dahil sa bagong gising lang siya.

"Why are you always giving me a cold treatment?"

"So?" Bigla siyang tumayo. Woahh... Napatitig ako sa katawan niya. Literal akong napanganga. Topless siya at nakasuot ng white na pajamas. Ang ganda ng built ng katawan niya. Ang laki ng mga muscles niya 6 packs talaga.

"Huwag mo kong titigan. I'am widely awake. You can get out of my room now" sambit niya sabay punta ng C.R

Lumabas nalang ako ng kwarto niya at hihintayin ko na lang siyang matapos maligo.

***

Shina Pearl Dela Cruz Point of View

Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon