Chapter 4
"Ms. Shina paano ninyo pinagsasabay ang inyong cosplay carrers sa singing careers niyo?"
"Uhm, well time manage. Minsan kapag may mga singing offers isasantabi ko muna yung cosplay. Basta salitan lang."
"Thank you very much Ms. Shina! And this is Chibi talk I'm your host Georgina Marie Goodbye everyone"
"CUT!"
Hay natapos na din ang interview sa wakas. Buti na lang tapos na yung guesting ko sa isang noontime show para kumanta. Wala ng katapusan ito. Nakakapagod.
At ngayon ay papunta naman ako sa photoshoot para sa shot namin nila Annie at Chieri.
Pagkababa ko ng kotse ay di kalayuan naglakad ako papunta dun sa place kung saan ang photoshoot. Habang naglalakad ako may limang lalaki na humarang sa harapan ko.
"Hi Ms. Shina! Sumama ka samin" sabi nung lalaking spike ang buhok.
"Who the heck are you?"
"Ikaw yung girlfriend nung leader ng Black Death di ba?"
"What?!" Huh? Ano daw?
"Wag ka ng magdeny sumama ka samin!" Nagpupumiglas ako dun sa mga lalaki pero madami sila at tinakpan yung bibig at yung ilong ko at dun ako nawalan ng malay.
***
Pagka-gising ko nakaupo ako sa upuan at nakatali palikod yung kamay ko. May takip din yung bibig ko kaya hindi ako makasigaw.
"Gising na pala ang magandang dilag nyahaha" Tinignan ko lang siya with matching nanlilisik ang mata. Pucha! Paano ba ako makakawala dito?
"Susunduin ka na ng boyfriend mo maghintay ka lang!" Sabi nung lalaking spike ang buhok.
"Pero papakita ko sayo kung paano namin siya kukuyugin! Malaki ang atraso sakin niyang boyfriend mo kaya maghanda na lang kayo mwahahah!"
Teka! Si Kenneth yata yung tinutukoy nila eh!
Maya-maya dumating na si Kenneth kasama sina James at Harold. Tatlo lang sila pero kakayanin ba nila tong limang mukhang ewwie na lalaki dito?
"Huh! Hindi pa din pala kayo sumusuko ah!" Sabi ni James nang nakapamulsa. Napalingon ako kay Kenneth at nakita kong nakatingin din siya sakin at biglang umiwas nang tingin.
"What do you want?" Tanong ni Ken with nakakatakot na voice.
"Hahahah! Ngayon magtuos tayo! Sugurin sila!"
Nagsimula na ang rambulan nila. Woah si Harold pa lang ang gumagalaw pero tatlo na agad yung napapatumba.
Tinignan ko si Kenneth pero nakapamulsa lang siya. Si James sinuntok niya si spikey hair at agad natumba.
Nilapitan ni Kenneth yung leader nung gang at biglang pinagsusuntok at nawalan na ito nang malay.
Tinanggal ni Kenneth yung tali ko sa kamay at lumabas na kami ng parang bodega na ewan ko kung saan ako dinala ng mga bwiset na lalaking to.
"Stupid kiddy! Why are you involving with this kind of mess?"
"Hoy! Nang dahil sayo kaya ako kinidnap!"
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]
Novela JuvenilMr. Delinquent gangster meets Ms. Famous Cosplayer Shina Pearl Dela Cruz is a super famous cosplayer while Kenneth Aaron Ferrer is a delinquent gangster. Have Shina want to take a risks to fall inlove with an oh-so-hot delinquent gangster? (c) Shina...