Chapter 41

596 15 1
                                    

Chapter 41

Shina Pearl Dela Cruz Point of View

Nagkulong nanaman ako dito sa kwarto.. Ang sakit sakit nung mga narinig ko. Kaya nga kami nagpunta dito sa Cebu para makalimot.. Pero napakacliche nga naman oh! Nakita pa ng dalawang mata ko ang pinakamasakit na katotohanan.

"Shina.. Kumain muna tayo.. Tapos uuwi na tayo agad mamaya" Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Ayokong sirain itong araw na ito.. Niyaya ako ni Karl dito pero mapapauwi agad kami ng dahil sa pagmumukmok ko.

"Karl.. Okay lang ako. Sige dito muna tayo"

"Hindi naman yun ang dahilan kung bakit tayo uuwi eh" Nangunot yung noo ko. Huh?

"Eh bakit tayo uuwi agad? Kadarating lang natin dito ah?"

"Tumawag sakin ang parents mo.. Pati ang parents ko.. They're here" Umuwi na sila? Buti naman naisipan nilang umuwi. Akala ko habang buhay na sila magpapakasasa sa negosyo at pera nila eh.

"And then? Eh ano naman kung umuwi na sila?" Hindi ako sabik na makita sila.. Baka mas lalo lang akong mabagot sa bahay at mabwiset sa mga pagkokontrol ng ginagawa ko.

"They want to talk about the wedding" What? Wedding? Fvck! Ang dami dami ko na ngang problema dumadagdag nanaman tong pesteng arranged marriage na ito. Napahawak nalang ako sa ulo ko at hinilot hilot.. Sasabog na ang utak ko kakaisip..

"Kailangan mo din silang makausap kung ayaw mong matuloy ang wedding natin.." malungkot niyang sambit.. Naawa ako kay Karl. Alam kong gusto niya magpakasal sakin pero ako lang itong may ayaw.

"I'm sorry Karl.." Hinawakan ko ang kamay niya.. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako..

"You don't have to say sorry.. I guess love hurts isn't it?" He gave me a weak smile.. Yes Karl. Totoo nga yun.. Love hurts..

***

"Ang ganda ganda naman ng anak mo Shiela" sambit ni tita Kiara.. Mommy ni Karl.

"Kanino pa ba magmamana?" At napuno ng tawanan sa hapag kainan. Napangisi ako. Mga plastik! Bwiset.. Hindi pa ba matatapos itong kainan na ito? Gusto ko nang lumayas dito at umuwi ng bahay.

"They are perfect for each other don't you think?" tanong naman ng daddy ko. Nakakarindi naman dito oh! Naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Napatingin ako sakanya.

Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon