Chapter 49
Shina Pearl Dela Cruz Point of View
Tinanghali ako ng gising ngayon.. Urgh!! Napakasakit ng ulo ko.. Gusto ko na nga iuntog yung ulo ko sa pader sa sobrang sakit eh. Badtrip naman yan oh! Agad akong bumaba at pumunta ng kusina.. Tsk! Bakit walang pagkain?!
"Ate Celia! anong pagkain?" Peste! Gutom na gutom na ako eh!
"Wala pa hija.. Magluluto pa lamang ako" Ano?! Magluluto pa lang?!
"Bakit ngayon ka lang magluluto? Tsk! Tumawag na nga lang kayo ng magdedeliver ng pagkain! Ngayon na mismo at gutom na gutom na ako!!" Maktol ko. Agad akong umakyat ng kwarto at nahiga nanaman sa kama. Urgh!! Ang bigat ng katawan ko.. May hang-over ba ako kagabi? Wala naman eh!
Itinalukbong ko kaagad yung unan sa ulo ko.. Urgh!! Ang sakit ng ulo ko.. Parang hinahampas ng martilyo ng paulit-ulit eh.. Nakakabanas na ha!!
"Hija.. Andyan na yung pinadeliver mo sa baba" sambit ni ate Celia. Padabog kong tinungo ang pintuan at bumaba sa kusina.. Kasi naman eh! Gutom na gutom na kaya ako.. Nakita kong may pagkain na sa lamesa at agad ko iyon nilantakan.. Wala ng bara-bara at gutom na gutom na ako!
"Baka mabulunan ka" Hindi ko pinansin ang nagsalita.. Bahala ka sa buhay mo.. Gutom ako.
"Aww! Hindi ako pinapansin ni sweetheart"
"Tigilan mo ako sa drama mo Karl. Hindi na yan uubra sakin" Patuloy ko lang kinakain ang pagkain dito.. Hmm.. Sarap pero mukhang kulang pa sakin ito sa sobrang gutom ko ngayon..
"Oo nga pala. Pinapatawag tayo nila mommy sa bahay.. Sumama ka ha!" Pagyayaya niya.
"ngayon na mismo? Tinatamad ako eh.. Mas gusto ko pang humiga sa kama kesa pumunta sa bahay ninyo" Walang pakundangan kong sagot.
"Baka tumaba ka niyan sa ginagawa mo? Kain tulog nanaman yang cycle mo"
"Okay lang yun. Atska basta para kasing ang sama ng pakiramdam ko eh. Gusto ko lang magpahinga noh!" Lately kasi tinatanghali na akong gumising eh.. Naiinis nga ako kasi palagi nalang sumasakit yung ulo ko.
"Retarded ka talaga. Don't stress yourself too much.. Sige sasabihin ko nalang kela mom na hindi ka makakapunta kasi masama ang pakiramdam mo" sambit ni Karl.
"Buti naman at nagkakaintindihan tayo Karl. Mabuti nang malinaw"
"Oo na.. Wait! I have to go.. May meeting pa kasi sa office ni dad. Ako ang representative eh"
"Sige lumayas ka na"
"Ouch! Wala bang kiss dyan sweetheart?" Tapos ngumuso nguso pa siya.. Pinasakan ko nga ng pizza. Bwisit itong lalaking ito.. Araw-araw nalang akong binubwiset.
***
"Hmmmppp" Agad agad akong pumunta sa CR.. Shetness naman oh! Kanina masama pakiramdam ko tapos ngayon nasusuka naman ako.. Wala naman akong hangover ah.. Naglasing ba ako kagabi? Wala kasi akong matandaan.
Agad akong naghilamos at nagtoothbrush.. Tsk. Bumabaliktad nanaman ang sikmura ko.. Magpacheck up kaya ako? Ay ewan. Bukas nalang tinatamad akong lumabas promise!
"Hoy babae! Ang tagal mo naman sa CR"
"Ay buhaya!" Nagulat ako sa biglang sumulpot sa kwarto ko.
"Grabe! Mukha na ba akong buhaya?" tanong ni Annie sakin. Inirapan ko nalang bwiset.
"Bakit ka naman napapunta dito?" tanong ko.
"Duhh.. Nasa baba kaya sila kuya Shiro at ate Ela.. Sumabay lang ako sakanila.. Buti nga naisipan pa kitang dalawin dito eh"
"Wow.. Magthathank you na ba ako?"
"No need" sagot niya.
Naamoy ko ang pabango ni Annie at nagsimula nanaman bumaliktad ang sikmura ko.. Tsk.. Pinipigilan ko lang maduwal kasi kakasuka ko lang kanina.. Feeling ko hinang hina na ako.
"Oh? Anong itsura yan Shina?" tanong ni Annie.
"Ang baho mo kasi eh! Bakit ba ganyan yung pabango mo?"
"Mabaho? Duhh, strawberry flavor pa toh tapos sasabihan mo ng mabaho? Di bali sana kung durian yung flavor eh" sarkastikong sagot niya.. Hindi ko nanaman kinaya at naduduwal nanaman ako.
"Hmmmppp!!" Agad akong tumakbo sa banyo at yumuko sa bowl.. Urgh!! Kahapon pa ako suka ng suka.. Uminom na ako ng gamot pero parang walang epekto eh.
"My gosh! Ano bang nangyayari sayo Shina?" tanong ni Annie.. Sumuka lang ako ng sumuka.. Puro laway naman eh bakit ganun?
"Jusko.. Magpadoktor ka na nga!" Kinuha ko ulit ang toothbrush at naghilamos..
"Annie hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sakin eh.. Lagi nalang akong nagsusuka tapos ang sama ng pakiramdam ko.. Ayoko din sa mga ibang amoy ng pabango.. Feeling ko ang baho eh" Totoo yun noh.. Yung pabango nga ni kuya eh nababahuan ako.. Ewan ko ba.. Biglang nalaglag yung bag ni Annie at halatang nagulat sa sinabi ko..
"K-Kailan ka huling nagkamenstration?" tanong niya.. Hmm.. Kelan ba yun.. Agad akong tumingin sa calendar..
"Last last month lang bakit?" sabay tingin ko sakanya.. Mas lalong lumaki ang mata niya..
"Hindi mo alam kung bakit? Jusko Shina.. Ayan ang mga sign ni ate.." I stiffened. What the fvck!! Atska ko narealized kung ano yung sinasabi ni Annie.
"A-Annie.. H-hindi n-naman si-siguro d-diba?" Masyado pang maaga para dito.. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kela mommy.. Magagalit yung mga yun I'am very very sure!!
"Bumili tayo ng pregnancy test Shina..."
___________________________________________________
AN:
Wala akong masabi *speechless*
thanks for reading chapter 49! Last chapter to go!
-shinachii

BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]
Teen FictionMr. Delinquent gangster meets Ms. Famous Cosplayer Shina Pearl Dela Cruz is a super famous cosplayer while Kenneth Aaron Ferrer is a delinquent gangster. Have Shina want to take a risks to fall inlove with an oh-so-hot delinquent gangster? (c) Shina...