Chapter 3
"Good pose Ms. Shina! Keep it up"
"Annie itaas mo pa ng konti yung baril, Yan that's good!"
"Chieri give it a little charm"
Andito kami ngayon sa studio. Another photoshoot nanaman para sa aming cosplay album. As usual kasama ko sila Annie at Chieri dahil kaming tatlo naman lagi ang tag team eh. Si Ms. Alodia kasi solo eh.
"Okay Break time tayo!" - Photographer
Umupo kami nila Annie at Chieri dun sa table namin para kumain. Ay oo nga pala naikwento ko na sa kanila kung anong nangyari sakin at dun sa Kenneth na yun. At as usual nagulat sila at nakatanggap ng maraming sermon galing sa bibig nila.
"Ano ba naman kasi pumasok sa kokote mo Shina?!" Galit na sabi ni Chieri.
"Sinabi ko na kasi sayo sumabay ka na sa kotse namin ayan tuloy napala mo. What the heck is wrong with that guy? Masyado siyang interesado sayo baka naman pera lang habol niya?"
"Tinanong ko na pero hindi daw pera ang gusto niya."
"Kaya pumayag ka na makipag go out jan sa deliquent na yan?" Sabat ni Chieri.
"Sus! Pabayaan niyo na atska matagal ko na siyang hindi nakikita kaya baka pinagtripan lang ako nun!" Onga pala one week nang lumilipas pero hindi ko naman siya nakikita o nakakausap. Kaya tingin ko trip lang talaga yun.
"Eh paano kung biglang bumalik? Tapos kidnapin ka o kung anung gawin sayo? I think we must shout it out sa public para madagdagan ang guard mo" Suggestion ni Annie.
"Ano ka ba Annie. Lalo akong masisira sa public kapag nalaman nilang may deliquent gangster ako na boyfriend. Masisira popularity ko"
"Hay Shina kami yung kinakabahan sayo. Alam mo naman na ayokong maranasan mo ang naranasan ko kay Karl remember?" malungkot na sabi ni Annie.
"Annie, Chieri I love you guys. Don't worry I make this mess, so let me clean this. Thanks sa pag-aalala niyo. Basta magtiwala lang kayo sakin" Sabay nagyakapan na kaming tatlo.
"Kung hindi parang kapatid ang turing ko sayo kinaladkad na kita at pinagsasampal eh" Aniya ni Chieri.
Nakakatuwa talaga tong mga bestfriends ko. In good times and in bad times lagi na lang nasa tabi ko. Kaya hinding hindi ko iiwan tong mga to.
"Ay oo nga pala Shina nakilala ko na yung Cosplay Prince ng taiwan! Ang pogi type ko na Bwahahah!" Hay Chieri ayan ka nanaman. Cosplay prince ng taiwan pa ang habol mo ngayon ah.
"Ewan ko ba sayo Chieri, ang hilig mo sa gwapo." aniya ni Annie.
"Eh mata yata tumitibok sakanya eh hindi puso!" Hahaha take that LOL
"Heh! Tumigil ka nga Shina. Basta siya na talaga. Kapag pumunta siya sa Cosplay Mania magiging akin na siya Mwahaha" Napa-facepalm na lang kami ni Annie. Nagdadrama kami dito kanina tapos sesegway nanaman tong si Chieri ng bibiktimahin. Hay ewan, ang iniisip ko ngayon kung paano ko aayusin ang gulong pinasok ko.
***
Naglalakad kami nila Chieri at Annie sa hallway ngayon. As usual nagkakagulo nanaman ang mga estudyante at naghihiwa-hiwalay sila kapag dadaaan na kami. Panay tilian. What's new diba? Habang naglalakad kami biglang may sumalubong samin. No other than Friela! Ang no. 1 karibal ko.
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]
Teen FictionMr. Delinquent gangster meets Ms. Famous Cosplayer Shina Pearl Dela Cruz is a super famous cosplayer while Kenneth Aaron Ferrer is a delinquent gangster. Have Shina want to take a risks to fall inlove with an oh-so-hot delinquent gangster? (c) Shina...