Chapter 25

900 27 4
                                    

Chapter 25

Shina Pearl Dela Cruz Point of View

Kanina pa ako iyak ng iyak dito sa kwarto ko.. Gulong-gulo ang isip ko.. Tortured na tortured ako.. Hindi ko alam basta ang sakit kasi eh..

*tok tok*

"Imouto?" Naririnig kong katok ni kuya.. Hindi ko siya pinapansin bahala sila kumatok dyan.

"Imouto! Papasukin mo ako please? Mag-usap naman tayo" Wala akong pakielam bahala kayo dyan.. Wala ako sa mood makipagusap.. Tinalukbong ko yung kumot sakin pati unan para wala na talaga akong marinig..

Kailangan kong matulog.. Para sana paggising ko.. Hindi pala totoo ang lahat.. Bakit ba kasi hindi niya sakin sinabi na siya si Kenchie? Simula yung nakilala ko siya bilang "Kenneth" eh ayun pala nabubuhay lang ako sa kasinungalingan.. Na si Kenchie ay si Kenneeth.. Pero ang tanga ko din pala noh? parehas "Ken" ang unahan sa pangalan nila.. Sa sobrang daming gumagambala sa isip ko ay nakatulog din ako.

***

Nagising ako bigla at naalimpungatan.. Anong oras na ba? Time check 7:00 PM. Gabi na agad? Tumayo ako at biglang nakaramdam ng sakit ng ulo.. Ang sakit ng ulo ko grabe..

"Ouch.." Bigla akong napahawak sa ulo ko.. Feeling ko umiikot yung paligid ko..

*Kruuu kruuu*

Eh? Nagugutom na pala ako.. Binuksan ko ang pintuan at bumaba na agad ako.. Tinungo ko ang kusina at nakita ko si ate Celia.

"Ate Celia, may pagkain po ba?"

"Oo hija.. Maupo ka na dyan at ipaghahanda na kita" Umupo naman ako sa lamesa at inantay ang pagkain na ihahanda sa mesa..

"Nakita niyo po ba si kuya?"

"Andun siya sa garden ninyo" sagot naman ni ate Celia.. Tumayo ako at tinungo ang garden.. Di kalayuan ay nakita ko siyang nakatayo doon at kung may anong malalim na iniisip..

"Kuya..." Siguro parang nagulat siya at napatingin sakin..

"Imouto" Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.. Ayan nanaman tong pesteng luha ko.. Akala ko ba panaginip lang yun?! Urgh!!

"Shh.. I know na nasasaktan ka pa din" Hinagod niya yung likuran ko..

"Ba-Bakit g-ganun? H-hindi niya.. Hindi niya s-sakin sinabi yung to-totoo" Sambit ko na parang nagsusumbong na bata.

"I don't know. Maybe he just want to ruined your life again" Inis na inis na sabi niya.

"No kuya.. I know him. Hindi niya kayang gawin yun.. Mahal ko siya.. Oo galit ako sakanya ngayon pero kahit magalit ako sakanya at gusto ko siyang kalimutan hindi ko magawa.. Mahal na mahal ko talaga siya.. I love him! I really do" Sincere na sabi ko.. Hindi ko alam kung bakit kapag gusto ko sakanya magalit hindi ko magawa kasi nananaig sakin yung salitang 'mahal ko siya'

Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon