Chapter 43
Shina Pearl Dela Cruz Point of View
Napagisip isip din naming tatlo nila Annie at Chieri na kumain muna dito sa restaurant. Buti nalang at konti lang ang tao kaya konti lang ang nakakakilala samin. Hindi naman sila nakakaistorbo kasi binabati lang nila kami.
"Uhh guys.. May sasabihin din sana ako sainyo" sambit naman ni Annie.
"Ano yun?" sabay naming tanong ni Chieri.
"James is courting me" Biglang napitawan ni Chieri ang kutsara niya. Ako naman tulala lang sakanya. Hindi talaga nila ako titigilan sa mga revelation na yan noh? Talagang tuloy-tuloy at walang bara-bara?
"K-Kelan pa?"
"Last week. He talked to me.. Sabi niya sakin he will protect me from Kael" Kael? Sino naman si Kael?
"Sino si Kael?" tanong ko.
"Remember Karl? Yung ex ko dati?" Tumango kami ni Chieri. "His name is not Karl.. Kael ang tunay niyang pangalan.. Ayon kay James ay tinatago niya lang ang tunay niyang identity kaya Karl ang pakilala niya samin" Pageexplain niya. That stupid womanizer! Naalala ko pa yun nung nahuli namin na may babae yun.
"Hindi mo ba sasagutin si James?" tanong ni Chieri.
"I don't know.. I feel creepy kasi eh. Atska ewan ko ba.. Naguguluhan pa ako sa ngayon"
"Do you love him?" bigla siyang napatigil sa kinakain niya..
"I don't know Shina.. I don't know.. Gaya nga ng sinabi ko kanina.. Nalilito pa ako sa nararamdaman ko.."
"Grabe. Ganun na ba ako katagal nawala at ang dami ko ng balita na nasasagap sainyo?" Ang pagkakaalam ko almost 3 weeks lang kaming hindi nagkikita eh.. Maybe itong dalawang ito nakakapagbonding ng maayos.. Pero ako kasi tutok ako sa lalaking yun dati.
"Kung ganun.. may sasabihin din ako" nilingon ko naman si Chieri na nasa tabi ko. Hindi pa tapos? Meron pa?
"Alam ko na yan Chieri.. I think Shina needs to know" Hinanda ko ang sarili ko sa sasabihin niya.. Baka kasi atakihin na ako sa puso sa dami ng problema na nalalaman ko.. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita,
BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]
Teen FictionMr. Delinquent gangster meets Ms. Famous Cosplayer Shina Pearl Dela Cruz is a super famous cosplayer while Kenneth Aaron Ferrer is a delinquent gangster. Have Shina want to take a risks to fall inlove with an oh-so-hot delinquent gangster? (c) Shina...