Chapter 28
3rd Person Point of View
*Flashback*
Habang natutulog si Kenchie, pinsan nitong si Kyle at tito niya ay biglang may lalaking pumasok sa bahay.. Naka-itim ito at naka-cap din. Isa siyang masamang loob!
Dahan-dahan niyang isinasaboy ang gas sa sahig, sofa, hagdan at kung saan-saan pa.
Sa kabilang dako, si Kenchie ay nakaramdam ng naiihi at tumayo siya sa kama para bumaba ng CR.
Pagkababa niya, laking gulat niya na may nakita siyang lalaki na sinasaboy ang anu mang tubig dun sa baba ng bahay. Pansamantala siyang nagtago. Nang makita niya na sinindihan nung lalaki ang posporo ay bigla niya iyong hinablot.
"Who the fvck are you?"
"Hindi mo ako mapipigilan bata" sagot nung lalaki.
*Boogsh!*
Biglang sinuntok ni Ken ang lalaki kaya napatilapon ito at nalaglag ang posporo..
"Huwag mo akong pakielaman bata!! Kapag hindi ko ito nagawa ng maayos ako ang malalagot kay bossing"
*Boogsh!*
"I don't fvckin' care about you!! Tell me! Who's your boss?!" sigaw ni Ken at hinablot niya yung lalaki.
Ngumisi ang lalaki sabay may anong hinablot sa bulsa..
"Urghhhh!!!!" sigaw ni Kenchie. Isang balisong at itinusok ito sakanya at lumupasay siya sa sahig.
"Wala kang laban sakin bata. Sino nagutos sakin? Si boss Harvey Mackenzie.. Ang tatay ni Anniela.. Basi sakanya ay hindi ka daw sumisipot sa magaganap niyo sanang kasalan ni Anniela at dun nakabwelo ang anak nitong pumunta ng Korea. Alam kong mamamatay ka na kaya sinabi ko sayo ito. Hinding-hindi ka na makakapagsumbong" Biglang hinablot ng lalaki ang lighter sa bulsa at sinindihan ito.
Naglagabgab ang buong kwarto.. Si Kenchie na nakahiga at namimilipit sa sakit ay unti-unting nilalamon ng sunog..
Sa kabilang dako, si Kia ay papunta sa bahay ng kanilang tito dahil gusto niyang makita ang kuya niya.. Kababalik lang nito galing Japan at sinekreto niya sa kuya ang pagdating para masorpresa..
"Kyaaaah!! This will be fun!" sambit ni Kia habang nasa sasakyan..
Maya-maya konti ay nakarating na si Kia sa kinaroroonan.. Excited siyang makita ang kuya dahil sobrang habang panahon na silang hindi nagkikita.. Ni hindi niya nga kilala ang mga kaibigan nito eh.. Pero nang makarating siya sa bahay ng tito niya ay laking gulat nito nang nilalamon iyon ng apoy.
Agad-agad si Kia na lumabas ng kotse at sinundan siya ng driver niya.
"Ma'am Kia huwag po kayong papasok!" pigil ng driver habang himahabol si Kia na tumatakbo.
"No! My hubby-onii is there!"
Pagkapasok na pagkapasok ni Kia ay inikot agad ng mata niya kung asan ang kinaroroonan ng kapatid.
*cough! cough!*
"Hubby-onii!" paulit-ulit niyang tawag.
"Uncle! Cuz' Ked!!"
*cough cough*
Ubo siya ng ubo na tila ba hindi siya makahinga sa kapal ng usok na nakapaligid.

BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]
Teen FictionMr. Delinquent gangster meets Ms. Famous Cosplayer Shina Pearl Dela Cruz is a super famous cosplayer while Kenneth Aaron Ferrer is a delinquent gangster. Have Shina want to take a risks to fall inlove with an oh-so-hot delinquent gangster? (c) Shina...