Chapter 31
Kim Santilla Point of View
Kakauwi lang namin galing America. Nang malaman kong ipinagkasundo ako ng mga Dela Cruz sa anak nilang si Kenneth ay sobra akong natuwa. Bakit? Kasi matagal ko na siyang gusto noon pa man. Noon pa man na kahit siya si Kenchie.
Alam kong gusto na ni Ken si Shina noon pa lang. Kilala ko si Ken pero sa tingin ko ay hindi niya ako kilala.
Nang malaman kong ipapakasal nila ako kay Ken ay tila ba para akong nabuhayan. Sa wakas.. Makakapasok na din ako sa buhay niya. Matututunan niya din ako mahalin.
Sinundan ko si Ken nang lumabas siya. Sinundan ko siya nang nakakotse. Inihatid niya lang si Kia at umalis na din siya sa airport. Nakikita kong magkasundo talaga sila.. Nakaramdam ako ng inggit. Hindi kasi kami ganyan ng kapatid kong si Coro. Napakabugnutin kasi nun at hindi mo makausap ng matino. Kasing edad lang siya ni Kia. Bagay sana sila kung may pagka-socialize lang itong kapatid ko.
Nagulat ako ng pumunta siya sa isang bar. Ano naman kaya ang gagawin niya dito? Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko siyang umupo sa lamesa ng mga lalaki.. Sobrang dami nila siguro mga twenty.
"Oh pinuno! Aba! Buti naman naisipan mong pumunta dito" sabi nung isang singkit na lalaki.
"Malang Josh! Si pinuno pa ba?!" sabi naman nung lalaking mukhang amerikano.
"Yow dude! Yosi?" alok nung matangkad na lalaki. Tinignan lang ito ni Ken at hindi kinuha.
"Shut up James"
"Woah easy! Just tryin' to be nice bro" sabi nung James.. So, James ang pangalan niya.
"Bob* ka kasi James! Eto dapat yung inaalok mo oh!" sabay abot kay Ken ng bote ng alak. Tinignan niya ito at lalong nangunot ang noo niya.
"You wanna die Harold?"
"Sabi ko nga joke lang!" Tapos itinaas niya yung kamay niya na parang surrender.
Nagkukulitan yung mga kasama niya habang siya ay seryosong nakatingin sa cellphone niya.
"Hi miss sayaw tayo?" Tanong nung lalaking mukhang akala mo drug pusher. Hindi ko siya pinansin at timingin sa ibang direksyon.
"Aba. Snobber ka miss? Gusto ko yan" Hindi ko pa din siya pinapansin pero nakaramdam ako ng takot. Naramdaman kong may kamay na gumapang sa legs ko.
"Bast--"
*Boooogshh!!*
Biglang nanlaki ang mata ko nang makita yung lalaki na nambastos sakin na tumilapon sa sahig. Napasinghap lahat ng mga tao at napatingin samin.
"What.are.you.doing.here?" Kalmado ngunit may pagbabanta sa bosses.
"A-Ahh.. A-Ano kasi ..." Sasabihin ko na bang sinusundan ko siya?
"You!" Turo niya dun sa lalaki. Nagulat nalang ako nang bigla yun nagtatatakbo at iniwan kami.. Huh? Ganun nalang yun? Tunakbo agad?
"Now Answer my fvckin' question.. What are you doing here?" naiinis niyang tanong sakin.. Aamin ko na ba? Curious lang naman kasi ako kaya ko siya sinundan.
"Yow Ken easy! Ang ganda ganda niyang dilag na yan tapos sisigawan mo lang. James nga pala. And you are?" inilahad niya yung kamay niya.
"K-Kim" Tapos nakipagshakehands ako.
"Yow mga dudez! Wow. Who's the chick pare?" tanong nung Harold. Hindi ako magkakamali. Harold ang pangalan niyan.
"Stop it you two! Let's go" Tapos bigla niyang hinawakan yung braso ko at hinila. I mean kinaladkad palabas ng bar. Halos bumakat na yung kamay niya sa sobrang higpit ng hawak niya sakin... Nang makalabas kami ay agad niya akong hinarap.
"Do not fvckin' stalk me again Kim. I may be your fiance but I can assure you that I will stop our fvckin' marriage." Tila ba parang sinaksak yung dibdib ko sa sobrang sakit.. Bakit hindi niya na lang ba tanggapin? Aalis na sana siya nang bigla akong nagsalita.
"Bakit ba hindi mo nalang tanggapin? Tradition naman yun ng pamilya ninyo ah? Bakit? Dahil ba kay Shina?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I know this sound so rude pero I have to do something.
"Alam mo naman pala eh.So do not bother to ask again" Akmang aalis nanaman siya nang bigla ulit akong nagsalita.
"Why don't we just give it a try? Malay mo naman magwork-out diba?" sambit ko. Just give me time Ken. Mapapamahal ka din naman sakin.
"I pity you for so much desperate!" At tuluyan na siyang pumasok sa kotse at iniwan akong nakatanga dito.
***
Shina Pearl Dela Cruz Point of View
Andito kami ngayon nila Chieri at Annie sa cafeteria.Tinatapos namin ang last requirements namin na reporting. Graduating na kasi kami at kailangan ng makumpleto ng mga requirements nang sa gayon ay makalakad na din kami sa graduation march.
"Shina, ikwento mo na nga kasi yung nangyari! Ang sabi lang kasi sakin ni ate ay Shiro's courting him" sambit ni Annie. Oo nga pala. Ang alam niya lang ay nagka-ayos na kaming apat at nalaman niya din si Kenchie ay si Kenneth. So, wala akong choice at ikinuwento ko nga sakanya ang mga nangyari simula sa pagkukwento sakin ni Ken at sa pagkukwento ni ate Ela kay kuya.
"Buti naman okay na! Jusko, sabi na nga ba si Kenchie si Ken eh! Ramdam ko" sambit ni Annie.
"Will you two shut the hell up? Kulang nalang lumubog na ako dito sa upuan ko! Ghad. Hinde ako makarelate sa topic niyo! Kayo na magchildhoodfriend" sambit ni Chieri sabay irap. Natawa nalang kami ni Annie Kahit kelan talaga itong si Chieri.
"So, kamusta naman kayo ni Kenchie? Grabe! Lagi kayong nagsosolo"
"O-Okay naman kami" Sabay iwas ko ng tingin.
"Nagbublush ka pa dyan hmp!" Chieri.
"How about Karl?" Bigla akong napatingin kay Annie. Shetness! Hindi ko pa nakakausap si Karl.
"I don't know Annie. Maybe I should talk to him" Oo it is better na kausapin ko siya nang sa gayon ay magkalinawan kami.
"Ang haba naman kaso ng buhok mo oh! Natatapakan ko" sarcastic na sabi ni Chieri.
"Shut up Chieri" I rolles my eyes.
"Annie, peram naman ako ng phone naiwan ko kasi eh! Tatawagan ko lang si Hazu" Kakamustahin ko lang kung anong ginagawa nun! Inabot sakin ni Annie yung cellphone niya and I started to dial his number.
[Hello?] Halos mabitawan ko yung cellphone nang iba yung sumagot.
"S-Sino ka?!" Napatingin sakin sina Annie at Chieri na parang takang-taka.
[Eh ikaw? Sino ka ba?] Pagbabalik niya ng tanong sakin.
"Sagutin mo nalang yung tanong ko! Sino ka at nasan si Ken?!" Nagtaas na yung bosses ko. Sino ba itong babae to?!
[I'm his fiance. Si Ken? He's sleeping beside me] Bigla kong nabitawan yung hawak kong phone.
Ano daw? Fiance?! May fiance si Ken at natutulog daw siya kasama niya?!
"Anong meron? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Annie.
"I need to talk to him!!" At nagmartsa na ako palabas ng school. Nanggigilaiti ako, nanginginig yung mga tuhod ko at nakakuyom yung palad ko.
___________________________________
AN:
Uwaaaah! Ano na kaya amg nangyari sa KenShi loveteam?
-shinachii

BINABASA MO ANG
Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]
Teen FictionMr. Delinquent gangster meets Ms. Famous Cosplayer Shina Pearl Dela Cruz is a super famous cosplayer while Kenneth Aaron Ferrer is a delinquent gangster. Have Shina want to take a risks to fall inlove with an oh-so-hot delinquent gangster? (c) Shina...