Chapter 39

634 19 7
                                    

Chapter 39

Shina Pearl Dela Cruz Point of View

"I'am breaking up with you..." Isang parang patalim ang tumusok sa dibdib ko.. Ano daw? He's breaking up with me.

"Huwag ka ngang magpatawa hazu" Hindi magandang biro yan Ken..

"I'm not joking Shina" seryoso niyang sambit. Parang may tumutusok nanaman sa dibdib ko.. He is now calling me by my first name..

"Why are you doing these?" Pinipigilan ko ang sarili kong maiyak.. Ayoko ng ganito.. Please hazu.. Don't you ever do this to me..

"For your own good" sagot niya. Tumawa ako ng mapakla..

"For my own good? Funny Ken! Akala ko ba matapang ka? Sabi mo sakin hindi mo ko iiwan.. Pero bakit naman biglaan ngayon? Nagsasawa ka na bang protektahan ako?" Garalgal na ang bosses ko.. Hindi ko matanggap.

"Yeah.. Maybe I'am tired" Walang emosyon niyang sabi.. Dito na pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan..

"N-Naaawa ka lang ba s-sakin ka-kasi lagi ako n-napapahamak ng d-dahil s-sayo?" Pautal utal kong tanong.. How I wish na hindi ko nalang to sinabi.. Ayoko din naman marinig ang sagot..

"I think" Lalong parang nadurog yung puso ko sa mga pinagsasabi niya.. Lumakas ang mga pagiyak ko dito sa kwarto.. All this time? Ang sakit!

"You have any questions? Can I leave now?" Walang kabuhay buhay niyang sambit.. Fvck!! Gusto ko siyang murahin..

"One more thing Ken.. Talaga bang minahal mo ako? Totoo ba yung mga pinakita mo sakin dati? Baka Ginagawa mo ba ito for my own good. Please.. Kung ginagawa mo ito for my own good kaya naman natin tong dalawa eh..." I said between my sobs "...J-Just don't leave me hazu... I can't" I burst.. Masakit.. Sobrang sakit.


"Too many questions Shina.. Hindi mo magugustuhan kung sasagutin ko yan mga yan.. I'am doing these because I'am tired of protecting you.. I'am tired of this sh*t.. And also one more thing..." I looked at him straight.. Hinhintay ko ang mga susunod pa niyang sasabihin. "...Kim.. We were going to get married" At dyan siya nakatikim ng sampal sakin.. Malinaw na sakin lahat Ken. Huwag mo ng ipamukha.

"Get out of my room" Gigil na sambit ko sakanya.. Kuyom ang mga palad ko at nanginginig ang buong katawan ko..

"I'm sorry.."

"I said get out of my room!!!" Sigaw ko. Para siyang nagulat dahil sumigaw ako.. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa pintuan at bago niya pihitin ang pinto ay parang may binulong siya sa hangin.. Ayaw na muna kitang makita Ken..

***

Karl Villareal Point of View

Dinalaw ko si Shina sa ospital.. Alam ko na ang mga nangyari.. Naipit lang siya sa away ng mga Flynn at Sakurazaki.. So.. Andito na sila Fuyumi.

Bago ko pihitin ang doorknob ng pintuan ay may narinig na akong umiiyak.. Agad agad kong binuksan iyon at tumambad sakin si Shina na magulo ang buhok, umiiyak at tulala sa kawalan..

"What happened? Why are you crying?" Napapikit siya mariin at tila ba parang hindi niya narinig yung mga sinasabi ko..

"May masakit ba sayo? Tell me!" Hindi niya ako pinansin subalit lalo pang lumakas ang mga hikbi niya..

"Bakit niya ba ako iniwan? Nakakasawa ba talaga akong protektahan? Sabagay... pabigat lang naman ako diba?" Walang emosyon niyang sabi.. Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya.


Delinquent Is My Middle Name [COMPLETED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon