Chapter 18: Lost

6.9K 237 4
                                    

Umalis si Camilla kasama ang mga kaibigan. Elias was the one who took the wheel, habang siya naman ang nasa passenger at si Maribel ang nasa backseat.

Nagkukuwento si Maribel tungkol sa mga alaala nilang tatlo lalo na noong kolehiyo habang nasa biyahe. Dito niya rin nalaman na may gusto pala si Elias sa kanya noon.

"Maribel," Tahimik na tao si Elias pero kapag ganitong tono ay nakakatakot na.

"Oo na! Ito naman, parang hindi pa nakakamove on ha?" Bumaling naman sa kanya si Maribel at napapangisi, "Kinasal kasi kayo agad ni Wesley, kaya hindi na siya nakaporma ---"

"Maribel, isa pa at ibababa kita rito!" Natawa siya bigla sa sinabi ni Elias kahit pa sa wikang Cebuano iyon. Sa huli nagkatawanan silang tatlo, maaring hindi na rin siya gusto ni Elias pero dahil parte ng nakaraan ay nakakahiyang ungkatin.

Marami pang nakwento Si Maribel, kung paanong madaming nagkaka gusto kay Wesley at Elias noong high school at sa kanya kadalasan galit ang buong klase dahil close siya sa dalawa.

Kung paanong madami rin nagkakagusto sa kanya pero nakabakod si Wesley at Elias noon pa man. Yung mga nakakahiyang pagkakataon na nahuli silang apat na lumabas ng klase para pumunta sa canteen at kumain.

Mabuti na lang pala at sumama nga siya sa mga ito. Those memories, she didn't know if she would remember but even though she wouldn't, she glad she heard it.

She had an awesome childhood because of them. She checked her phone, wala pa rin response si Wesley, gustuhin man niyang itanong kung sino iyong sumagot ay hindi niya nagawa.

Bakit may ibang humahawak ng phone nito? Bakit hindi ito? Ano bang ginagawa--

Napailing siya. She should stop thinking too much, mamaya na lang niya itatanong sa asawa.

"Mabuti pala wala kang trabaho ngayon, Elias?" Tanong niya rito. Si Maribel kasi teacher, at dahil Marso na ay tapos na ang klase nito, kaya bumalik ito sa Bohol.

She's teaching in Cebu. Senior High school at Part-time college instructor doon. While Elias, he's an engineer.

"Umalis na ako sa huli kong trabaho," Sagot nito sa kanya, "Kaya nasa Villa Rosa ako ulit."

"Ay oo nga, aalis ka na rin pala!" Ani Maribel, "Tinulugan siya ni Wesley makakuha ng job opportunity sa Cebu!"

"Talaga?" She smiled, "Congratulations pala..."

"Hindi ko tinanggap."

"Huh? Bakit?" Agad na reaksyon ni Maribel rito, "Ano ka ba, opportunity na iyon!"

"May hinihintay akong ibang oportunidad. Alam naman na ng Señorito iyon,"

"Share mo naman!" But Elias just smirked, "Ano ba iyan, hindi na nagbago. Napaka damot mo,"

Hindi na niya namalayan na nakarating na pala sila sa mall. May iilan pa rin nakaface mask, habang ang iba naman ay wala na.

Naalala niya nang magising siya noon, nakafacemask at faceshield pa siya. Maraming tao sa ospital at halos hindi na magpahinga ang mga nurses at doctor.

Isa rin siguro sa dahilan bakit napalapit siya kay Fred dahil ito ang nagmagandang loob na ialis siya sa ospital dahil mas delikado sa mga oras na iyon.

During lockdown, pamilya ni Fred ang nagalaga sa kanya at doon niya rin nakilala si Sabrina. Ang hirap ng buhay noon, mabuti na lang ngayon ay unti-unti na ring nakabawi ang iilan.

"Anong plano ninyong dalawa?" Tanong ni Elias nang makapasok na sila sa loob, "It's 1:30 PM, kain muna tayo?"

"Oo, nagugutom na ako." ani Maribel at pinulupot ang kamay sa braso niya, "Gusto mo ba doon tayo kumain sa paborito natin?"

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon