Chapter 34: Leaves

7.1K 271 17
                                    

Gustong maiyak ni Camilla sa narinig kay Manang. Maraming bagay siyang napagtanto na matagal hindi binibigyang pansin.

Kagaya ng mga bagay na hinahangad na pala ng iba na nasa kanya na samantalang siya ay naubos ang oras sa pagiisip kung bakit hindi ito karapat-dapat sa kanya.

She missed the chance to cherish what she has. To be grateful on what was left, and to honor the memory it serves.

Napahawak siya sa walang umbok na puson. Pinakiramdaman itong mabuti. She could feel its heartbeat, malakas at mabilis, nagpapatunay na lahat ng nangyayari ngayon ay totoo na.

Hindi na niya palalagpasin pa.

"Tahimik ka." Napalingon siya kay Elias na siyang tumabi sa kinatatayuan niya ngayon, "Ayos ka lang?"

She smiled at him and nodded, "Oo naman. Ikaw?" Nagkibit balikat lang ito sa kanya at napasimsim sa kapeng iniinom. She chuckled, "Kahit party, kape pa rin ang iniinom mo?"

"The only drink I can stand." Sambit naman nito, "Nasaan si Wesley?"

"May inaasikaso daw." Sagot niya, "Ayaw ako patulungin. As if I am disabled."

He smirked, "Nagiingat lang siguro." Oo naman. Alam naman niya iyon. "Balita ko sa Cebu kayo titira?"

Paano nito nalaman iyon? Sila pa lang ni Wesley ang nakakaalam, ha? "How did you know?" Napagusapan nilang magasawa na doon sila hanggang sa manganak. Bibista na lamang rito sa Villa Rosa kapag kaya, her miscarriage really made her this paranoid.

"I heard." He said, "So, aalis ka ulit?"

"Ibang alis naman iyong nasa isip mo." She answered, "Hindi ko na iiwan si Wesley, Elias."

Napakurap ang mga mata nito't napatango. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila hanggang sa dumating na ang ibang bisita ng magulang ni Wesley.

Sabrina arrived with her husband. Fred texted her that he couldn't make it, may kailangan daw itong asikasuhin.

"I am so happy! Our babies will be bestfriends." Sabrina squealed, "Tapos sa Cebu pa kayo titira? Isn't it amazing!"

"Bakit? Anong mayroon?" She looked at these two lovebirds, kung malandi na sila noon na wala pang anak, parang mas lalong lumandi ngayong mayroon na, "Sab?"

"I accepted a project in Cebu. We'll relocate for 6 months in Cebu," Paliwanag ni Florence, he's into interior designing. "I guess hindi talaga kayo mapaghihiwalay dalawa."

"Hi, how are my babies doing?" Wesley came and held her waist, may munting halik din ito sa sentido niya.

"I'm okay, ikaw?" Tanong niya rito, "Ikot ka nang ikot, saan ka ba nagpupunta?"

Ngumiti lang ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya, "Can I excuse you for a minute?"

"Oo naman," Napakunot ang noo niya, "Why? What's wrong?"

Naglakad sila ni Wesley hanggang sa makapunta sa tree house. Nakaset up din ito, may mga fairy lights sa paligid.

"Wow..." Kung titignan, parang walang handaan sa may garden ng mansion dahil tahimik rito at presko lamang sa pakiramdam. "Ang ganda, Wes..."

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon