Chapter 33: Envy

1.9K 69 8
                                    

Camilla is indeed pregnant.

Tatlong pregnancy test ang nasa harapan niya ngayon matapos hindi makapaniwala sa sinabi ng doctor kanina.

Three positive pregnancy tests.

"Baby?" Kumatok na si Wesley sa pintuan, "Are you okay?"

She washed her face with cold water and sighed deeply, nang mapunasan ang mukha ay doon na siya lumabas ng comfort room.

"Hey..." Natigilan ito, "Are you... okay?"

"B-Buntis nga ako, Wes..." Her voice broke, "B-Buntis na ako..."

"Hey, shhh.." Inalo siya ni Wesley at kinulong sa bisig nito. Nasa clinic pa rin sila, hindi na nakaalis dahil hindi pa rin siya makapaniwala.

Nabilin na ng doctor lahat rito ang mga kailangan niya habang siya ay nasa comfort room kanina. Nanghingi pa ng pregnancy test para makasigurado talaga!

She's that... paranoid.

"You will be fine, Mrs. Klein" The doctor assured her, "This week will be tough, okay? Usually your hormones will be unpredictable, but it's normal."

"How far am I?"

"You're just 3 weeks, Misis."

"But, I had my period... last three weeks." She still couldn't believe it, "Right after we..." Naginit bigla ang pisngi niya.

"Was the blood heavy?" Tanong ng OB, "at anong kulay ng dugo mo?"

"Hindi naman, Doc. It was light and pinkish." Paunti-unti na siyang nakukumbinsi.

"You had spotting." She concluded, "It's normal, especially you and your husband are still active,"

Napangisi na si Wesley, "I'm sorry..." Napahawak sa batok.

"Dahan dahan na lang muna tayo ngayon, okay?" Nangingiting bilin nito, "But, usually after the first four weeks, you're both good to go."

Pinagsiklop ni Wesley ang kamay nilang dalawa, "Magkaka-anak na tayo, Wes..." aniya habang pa palabas sila ng clinic.

"Yes, Baby..." He rested his other hand on her belly, "I'm gonna have another baby..."

She cried inside his arms, but this time... it is tears of joy. Kung kailan hindi niya inaasahan, kung kailan tuluyan na niyang tinanggap ang posibilidad na hindi na sila magkakaanak ay ibinigay ng Diyos.

Nang makauwi sa Villa Rosa ay agad na ibinalita ni Wesley ito sa lahat. Higit na masaya sa kanila ay ang magulang nito.

"We should celebrate!" Cameron excitedly said, "Magiging lolo na rin ako!"

"What do you think, Camilla?" Tanong sa kanya ng asawa, "Gusto mo ba?"

Napakamot siya sa pisngi at napakagat ng labi, "I don't know, Wes... I'm scared..." Sa totoo lang, masayang masaya siya sa balita pero may kaunting takot pa rin sa dibdib niya.

She wanted celebrate it after the hearing. After settling everything. Sa Cebu sila maninirahan ni Wesley pansamantala pero uuwi dito sa Villa Rosa tuwing weekend.

Mas gusto iyon ni Wesley dahil malapit siya sa opisina nito't may mga malalaking ospital. Nakaplano na kaagad bago pa sila makauwi dito sa Villa Rosa, hindi naman halata na excited din si Wesley maging ama.

Sa huli ay wala na siyang nagawa. Nagplaplano na ang magulang ni Wesley lalo na ang ina nito na si Winona.

"Are you okay?" Nasa patio sila ngayon habang si Wesley at ang Papa nito ay naglakad sa labas, usapang tatay ata. She smiled at her mother in law and nodded.

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon