Chapter 17: Cut

6.6K 238 3
                                    

After that night, Wesley joined her in bed.

Literally, joined. He held her like he didn't want to let go, he held like she would disappear if he wouldn't hold tightly.

So, days and weeks went by. Gustong-gusto niya ang mga nangyayari, Wesley really pampered her a lot, mas nagpakita ito ng pagkalambing na hindi niya inaasahan.

It's the little things katulad nang paghalik sa noo, the backhugs, pagsiksik sa kanya sa kama tuwing umaga, mapagmahal na pagbulong sa pangalan niya, ang pagaasikaso sa harapan ng hapag kainan.

Goodness, malapit na siyang mabaliw sa ginagawa nito. How he was making her feel, the flutter of her heartbeat, the catch of her breath, and the squirm inside her stomach.

Wala pa rin siyang maalala. But, it wasn't the goal anymore since Wesley already said that with memories or not, he would take her back.

And she would never lose that chance.

Araw araw, hiniling niya ito. She prayed that someday, someone will find her and make her feel special.

Fred came. Hindi naman niya ito pakakasalan kung hindi nito iyon pinaramdam sa kanya. But with Wesley? Wala na ang pagaalinlangan sa puso niya kung bakit niya ito pinakasalan.

He's making her feel... owned, valued and loved.

If Wesley could choose her so easily without regret or second thoughts just so he could take her back... bakit siya hindi?

"Camilla," Speaking of her husband, "Gagabihin ako ng uwi mamaya, gusto mo bang sumama sa akin sa office?"

Isang beses ay sinama siya nito, she was just staying in his office. Wala rin naman ito masyado doon kaya nakakabored, "Dito na lang ako, so you can focus, too." She smiled at him.

Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng halik sa noo, "I don't think I can if I'll miss you so much."

She chuckled, "You're a hidden flirt, Mr. Klein." Kahit na sa totoo ay parang sasabog na ang puso niya sa mga salita nito.

Mag dadalawang linggo pa lang siya! Wala pang isang buwan pero ganito na? Jusko.

"Kailangan talaga kitang landiin," He murmured, "Para mabaliw ka na sa akin..."

Hindi siya sumagot. Alam niyang takot pa rin ito sa posibilidad na bigla na lang siyang umalis ulit. She can't blame him, nagawa nga niya noon, paano niya ipapangakong hindi na ulit kung hindi niya rin alam ang dahilan ng pagalis noon?

"Sige na, pumasok ka na." She pushed him to walk out the room, "Ihahatid na kita sa labas,"

"I'm sorry I had to leave." Inakbayan siya nito habang naglalakad sila pababa ng bahay, "Importante lang talaga."

"Wes, may amnesia lang ako... Don't worry, I can perfectly understand why you need to leave." She assured him, "Isa pa, you can always call me."

"Alright," Tumigil sila sa tapat ng sasakyan nito na nakaparada na sa labas ng bahay, "I love you." He lovingly said then kissed her temples.

Mula nang sabihin nito sa kanya na gusto nitong bumalik siya bilang asawa, palagi na itong may pa-I love you sa kanya. But, he didn't kiss her anymore on the lips, palaging sa noo o sa sentindo na ito humahalik.

Not that she want it! Hindi naman syempre pero... kung kailan naman kasi sila naging magasawa, tsaka naman ito hindi nagiging aggresibo.

Napailing na lang si Camilla sa iniisip. Kumaway siya sa sasakyan nitong umaandar na at nang hindi na niya ito makita ay pumasok na siya sa loob.

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon