Chapter 14: Memory

7.8K 258 15
                                    

Magaan ang gising ni Camilla kumpara sa unang araw niya sa Cebu. Iba ngayon, parang ngayon lang din siya nakapagpahinga nang maayos mula nang malaman na may asawa na siyang tao.

She turned off her phone and just asked Wesley to call the hotel she stayed at. Ito na daw ang bahalang magsikaso para madala ang ilan niyang gamit rito.

She took a shower before heading down, nang buksan ang closet ay may ilang damit pa naman siyang maaring masuot doon.

Wesley said it was hers. Malinis daw ang lahat at walang nawala mula nang umalis siya. At the end, she settled on the white button down dress. Hindi niya alam kung pumayat ba siya o lumiit dahil hanggang tuhod ang haba, but... bagay naman, presko pa sa pakiramdam.

"Señorita Camilla, handa na po ang agahan..." Napakunot ang noo niya sa tawag ng kasambahay, "Nandoon na po ang Señorito," sambit nito nang pagbuksan niya ng pinto.

"You can just call me, Camilla..." Ngiti niya rito pero agad naman umiling ang huli, "Bakit?"

"B-Bilin po kasi ni Manang, ako po ang pagagalitan kapag hindi ko po sinunod..." Yumuko ito at humingi ng pasensya, "Tara na po, Señorita..."

Wala na siyang nagawa pa. Mamaya nga ito pa ang mapagalitan. Nang makababa ay nakita niya si Wesley na nakatayo sa harapan ng dining at may nilapag na plato.

"Manang, yung fried rice po? Paborito ni Camilla iyon..." Rinig niyang sambit nito pagkuwa'y agad naman na lumabas si Manang Vida bitbit ang fried rice.

Naamoy niya kaagad ang bango niyon. How she missed eating that food. Isang beses lang siyang nakakain ng ganon, sa isang retreat pa kung saan siya isinama ni Sabrina.

Hindi na naulit dahil hindi naman siya marunong magluto. She tried since she's living alone but, it's not really for her. Sa condo naman na binigay ni Fred ay pwedeng magpa deliver ng pagkain, and most of the time nasa labas din naman sila kaya hindi na kailangan magluto pa.

"Hi..." Bati niya sa mga ito.

"H-Hi..." Sandaling natulala ito sa kanya, kung hindi pa siniko ni Manang ay hindi gagalaw, "G-Good morning..." Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng halik sa noo.

Hindi niya iyon inaasahan pero gusto ng puso niya. Alam nito iyon. "G-Good morning..."

"Let's eat?" Hinawakan nito ang balikat niya't inakay siya papunta sa mesa, "Upo ka..." Pinaghila siya nito ng silya.

She bit her lip, she couldn't deny the fact that she's loving the treatment, "Luto ito ni Manang... Paborito mo ito,"

"Talaga?" Tukoy nito sa fried rice, "Ngayon ko na lang ulit matitikman..."

"Kumain ka nang marami," Sambit nito sa wikang Cebuano, "You lost too much weight, Baby---"

Nabitawan niya ang kubyertos sa narinig rito. She liked it... Nagulat lang talaga siya. "S-Sorry..." Pinagsandukan pa siya nito ng itlog, bacon, sausage, kamatis at itlog na maalat.

Hinawakan niya ang kamay nito, "Saluhan mo ako..." She smiled at him, "Thank you, Wes..."

Tumabi ito sa kanya at ngumiti, siya naman ang nagsandok ng kanin para rito. Narinig nilang may nagtatawanan sa sulok at doon nakita sila Manang Vida kasama ang ilang kasambahay na naka ngiti sa kanila.

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon