Chapter 30: Promise

7.3K 235 13
                                    

Natulala lang si Camilla nang maalala ang lahat. Tears started to fall from her eyes, parang nawalan siya ng gana sa lahat.

"You bitch! I'll make sure you pay for this!" Sigaw ni Rita na nakatali din sa tabi niya, "Just you wait!"

"Oh, really?" Maribel smirked, "Too bad, ikaw ang nakatali at hindi ako." Humarap ito kay Ken, "Babalik na ako sa mansion. Ikaw na ang bahala sa kanila,"

"What do you want me to do with them?" Tanong ni Ken rito, "Kailan ba tayo aalis?"

Tumawa si Rita nang nakakainsulto. Nagtangis ang bagang ni Maribel doon, "Patahimikin mo nga iyan!" anito, "Mamaya na tayo magusap."

Umalis na ito at naiwan nga sila ni Rita doon. Hinarap siya nito at nawala ang ngisi sa mukha, "Help me." Lumapit ito sa kanya, "Kalagan mo ako!"

Agad siyang tumango, "Baka mahuli tayo.."

"So, what? Dalawa tayo, isa lang siya. It's not like she has hired men to kill us!" May punto ito pero kaagad na nakabalik si Ken para sa kanila.

They had to pretend like they aren't trying to Escape. Rita laughed again. Katulad kanina.

"Ano bang nakakatawa?"

Umiling si Rita, "Sorry, I just remembered how you asked her kung kailan kayo aalis..."

"Anong nakakatawa doon?"

"Oh my goodness... You're really a fool for her." Pinanlakihan niya ito ng mata, "Do you really think she would come with you?"

"Manahimik ka---"

"Oh come on, Ken. Hindi gagawin ni Maribel ito kung mahal ka niya. Technically, she wanted you to do the dirty job so that she could get rid of you!"

"Sinabi ng manahimik ka!" Hinablot nito si Rita sa damit at sinampal, "Nagsisinungaling ka! Mahal ako ni Maribel..."

"Talaga? Bakit... pangalan mo ba ang sinasabi niya kapag may nangyayari sa inyo?" Tuya pa ni Rita, "I heard you both... pero hindi pangalan mo ang sinisigaw niya hindi ba?"

"Rita!"

"Tama na!" Binuhat ito ni Ken at inilabas. Lumaban si Rita pero hindi na niya alam kung ano pa sumunod. Then she saw him again, "Putaragis!"

"Anong ginawa mo kay Rita?"

"Manahimik ka!" Nagiba na ang ekpresyon ng mga mata nito at sinuntok ang pader! "Hindi pwede!"

Lumabas itong muli. Naluwagan ni Rita ang tali niya sa kamay kaya naman ginawa niya ang lahat para makawala doon.

When she managed to untie herself. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa pintuan, nakita niya ang isang tali na nasa sahig! Nakatakas si Rita!

She looked at the time, wala na siyang pakialam kung anong oras. She would use all the time she had just to escape!

"Saan ka pupunta..." She stopped, "Hindi ka pwedeng umalis."

Lumabas mula sa dilim ang pigura ni Ken, napaatras siya. "Ken, wala kang kasalanan dito... Pwede ka pa magbago--"

"She literally made me agree to be Wesley..." He let out a dry laugh, "Kahit sa tuwing magiging isa kami. Hinayaan ko siyang tawagin ako sa pangalan na hindi ako, para lang maramdaman siya..."

Hindi na niya naiintindihan ang sinasabi nito. But his eyes are different now. It's bloodshot red and swollen, "Ken..."

"Anong meron ba kay Wesley? Bakit ba gustong gusto niyo siya... Pera lang ba? May pera naman ako..." anito't lumapit sa kanya.

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon