Chapter 22: Remember

6.8K 185 5
                                    

January 2020

"Mrs.Klein, I'm sorry but the result is still negative... " Napabagsak ang balikat ni Camilla.

Negative? But she felt symptoms... she's late, she feels sick often, she feel that... Agad na bumagsak ang luha sa mga mata niya.

"Maybe it's still too early? Babalik ako next week--" She didn't want to give up pero hinawakan ng OB niya ang kanyang kamay.

"Camilla, you're stressing yourself." She wiped the tears from her eyes. Of course, she's stressing about this!

She wanted to have a child.

"D-Doc, may mali ba sa akin?" She was full of frustration. Tumayo ang OB niya at umupo sa harapan niya, kinuha nito ang kanyang kamay at tinignan siya sa mga mata.

"You are perfectly healthy, Camilla. You just have to be patient..." pagalo nito sa kanya, "Hindi ka naman nagkulang sa pagaalaga mo sa sarili mo---"

"It's two years, Doc. Two years but nothing happens, my husband is anticipating this to happen. Uuwi siya mamaya na wala akong magandang balita" mas lalo siyang napaiyak.

Hindi naman alam ni Wesley na magpapacheck-up siya. He's accompanying her every month, ngayong buwan lang hindi dahil ayaw niyang marinig itong sabihin na ayos lang kahit na nakikita niyang nalulungkot ito.

She still can't forgive herself for losing their child. Kung... Kung naging maingat lang siya... Kung hindi siya naging makasarili... Kung sana nakinig lang siya... Hindi na sana nadamay ang anak niya, hindi namatay ang baby nila ni Wesley.

"Napapagod ka na ba?"

"I can't see my husband suffer anymore. He deserves to be a father, a husband to a good wife and he deserves to have a beautiful family and I couldn't afford to see everyday na hindi ko siya mabibigyan noon..." Pinunasan niya ang luha sa mga mata.

"Camilla, mahal ka ng asawa mo. He married you through thick or thin, for better or for worst.." That's not enough.

Pareho silang walang kapatid, but unlike her, Wesley needed to have a successor. Lalo na't iyon lang ang nakikita niyang paraan para makuha ang loob ng magulang nito.

Wala na si Señor Max. Wala na siyang kakampi. But, without a child... How could Wesley still deserve her?

"Camilla, how was it?" Tanong ni Maribel nang makalabas siya ng clinic. Kasama niya ang kaibigan ngayon dahil wala si Wesley.

She's so grateful for her. Paano na siya kung wala ito? "Negative..." Iyak niya, "Maribel, n-napapagod na ako..."

"Milang, you can't be like this... You need to be strong. Kapag nakita ni Wesley na nagkakaganito ka, malulungkot iyon..." Pag-alo nito sa kanya, "He's also been through a lot, alam mo naman ang nangyayari sa kanila ng magulang niya..."

Alam niya na matagal na silang hinahanapan ng anak. Kaya sila nandito sa Villa Rosa nanirahan dahil ayaw siyang mapressure ng asawa.

See? Kung paano siya ka mahal nito. Habang siya... "You are stressing yourself too much, Camilla... Hindi ba bawal kang mastress?"

She tried so hard. Baka talagang... wala ng pagasa? "Maribel, paano kung wala na talaga? Paano kung..."

"Kung wala, hindi ka naman iiwan ni Wes... You know him. Mahal na mahal ka niya. He wouldn't give you up, unless ikaw ang susuko..." She said to her, "So, kung mahal mo talaga siya, you know what's the best for him..."

Tama ito. But all she could see right now is different from what's she's pointing to her. Hindi siya ang makakabuti para kay Wesley.

She should leave him before she drag him down with him, he can't be miserable like her.

Accidentally MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon